Yes! the world revolves around me.
Monday, May 31, 2004,9:13 PM
Il gelati migliore in città
Matapos ang pangongolekta namin sa isang kliyente ng kanilang deposito, niyaya ako ng boss kong mag lunch sa may Don Bosco, sa kanilang canteen..."Amici di Don Bosco" matagal ko nang nababalitaan tong canteen na to for their renowned coffee... the best daw talaga! ang hirap lang matiyempuhan kasi sarado sila pag weekend at pag weekdays naman hanggang 3pm lang sila... 1:30 na nun nung nakarating kami kaya halos ubos na ang ulam, ang natira na lang, fish fillet at sinigang na hipon, we opted for the sinigang... Nagulat ako sa serving... mga 8 hipon yata ang laman nung sinigang... at hindi lang basta hipon ha... para na ngang sugpo yung sukat! at ang kanin.. hindi cup... tinatakal talaga na gabundok! sa halagang 85 pesos... solve na solve... and here is the best part... the Gelati... eto yung italian ice cream na kung bibili ka sa mga kiosk ng mall, wala ng matitira sayo pang lunch... di sobrang tamis at di rin sing heavy ng nabibiling commercially available na ice cream, magaan sa dila... Pagdating namin sa counter ng gelati! waahhh! ansasarap ng flavor! hazelnut, pistachio, blueberry, cherry, tiramisu, toblerone, vanilla, at meron pang ABU SAyyaF! i wonder kung anong lasa nun? eto ang maganda... ang isang scoop... 30 pesos lang! kahit maka 3 scoop ka...ok pa rin! ansarap nung inorder namin, cherry vanilla, may nangangatangata ka pang cherries! kaya kung malapit lang naman kayo sa Amici, try nyo! makakatulong pa kayo, kasi Amici di Don Bosco is a cooperative ng mga workers ng Don Bosco, yung kikitain nung canteen sa kanila napupunta, nasarapan ka na, nakatulong ka pa! after taking the last drop of that gelati... ang nasabi ko lang... Il gelati migliore in città (The best gelati in town!)
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
Sunday, May 30, 2004,9:45 PM
Pentecost Sunday
Today is pentecost sunday, I attended our church service, wearing a sombre mood. Inistall na rin pala yung bagong CGC members ng FCCY, halos quarterly yata may ganitong nagaganap...

Kanina while listening to the homily... this line keeps on popping out of my mind..."Without the Spirit...we are beggars, with the Spirit... we are Kings", it struck me most because of my experiences in the past, hindi sa material na bagay kundi spiritually. Dati, I always follow the prompting of the Spirit...pero parang lately... I've been doing it my way...makes me wanna stop for a while and think things over...

Prayer
Come Holy Spirit,
in mercy, cleanse my being...
in love, strengthen my Faith.
Open my lips to worship You,
Open my heart to see You.

Without you...I am nothing.
In you, I have everything


"The Spirit of God is upon me..."(painted 5 years ago)
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
,4:54 AM
3 Days
4:54 am and you might be wondering bakit gising pa ako, nag brownout dito sa amin at ngayun ngayun lang nagkailaw, nagising akong bukas ang pc ko... di na ako makatulog ulit. This has been a long day for me.

Eksena: sa Dad's

Last friday, kumain kami sa Dad's kasama lahat ng opismates ko... sobrang busog... though parang lahat ng chibog sa Dad's parang iisa ang lasa...parang yoko ng maulit kumain dun.


Anna, Abby and Vil (clockwise)

Eksena : Gilmore

Sabado, gilmore with Rcie and joanne again... ala na yata kaming kasawaan magkita. May pinaayos lang kami... Habang papunta dun, walang katapusan ang wento ni joanne sa kanyang mga "Ngiiniig" experience... mumo and stuff...

Eksena : Sm Bicutan

pagkatapos naglunch kami sa sm bicutan, napabili tuloy ako ng optical mouse...kahit na pinipilit akong awatin nung dalawa. Bumili si joanne ng towels para sa kanyang mga babies habang kami ni rcie, ikot dun ikot dito. Diretso na sa bahay nila Ronnie.

Eksena : Bahay nila Ronnie

Pagbalik sa bahay nila RCie, nagpahinga ng konti, at as usual... tsibog na naman. Pinakain kami ng hipon, menudo, kare-kare, manggang hilaw with bagoong (eto yung inupakan ko...) at kilawin. Pinipilit nila akong kumain ng kilawin... perstym kong makakain nun... ang weird ng lasa... masarap siguro kung pulutan. After that pinagtimpla ko sila ng kape kong nakakaantok... nung una in denial si joanne na inaantok siya dahil sa kape ko... maya maya... bulagta na sa sofa joanne. Finally we decided to go home, pagod na rin ang lahat. Nakarating ako sa bahay at around 12:00 in the morning na.


Bomby, bullietgerl at Ymir

Eksena : sa loob ng kwarto ko...

Pag-uwi ng bahay, log-on agad... ilang araw akong di nakapagblog, browse browse sa ali, check e-mail... nang biglang..."nawala ang ilaw"... badtrip! wala akong nagawa... idlip na lang muna konti... naalimpungatan lang ako nung nasilaw ako sa monitor ng pc... online na naman... para sumulat ng entry.
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Thursday, May 27, 2004,2:48 PM
Out of boredom
Out of boredom... nag drawing na lang ako... mukhang may bago akong muse... hindi tao... hayup... kabayo... Twas always my dream to be a childrens book illustrator... di ko lang alam kung pwedeng mangyari in the NEAR future... gustong gusto ko talaga yung naive art... parang pambata... never liked realistic style of painting... kinunan ko na lang sana ng litrato...


Naive taka drawing

 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
,1:07 PM
Killing Time

Walang magawa dito sa bahay, kain, tulog, surf...tv at tumunganga, buhay pensyonado. Was browsing for some job sites nag babaka sakaling may magandang opportunity(get the picture?) I'm really bored. Tapos yung isa ko namang friend, di sumasagot sa e-mail. Gusto ko sanang magdrawing... kaya lang nasira yung momentum ko dun sa natanggap kong text...Darn! Bukas... magtutuos kami, hehehe.

Kakatapos ko lang sumagot ng mga threads sa alimasag, kakatawa talaga yung mga tanong nila sa akin sa crabalita 69... minsan dahil sa tanong nila, kaya nakakatawa rin ang sagot ko.

Nagtext kanina si joanne sa akin... kinuha nya na rin daw yung isang doggy na kapatid ni schat... inakup! good luck! sana lang di ka agad malosyang sa pag-aalaga ng dalawang tuta.

May wedding kaming kakantahan mamaya sa diamond hotel... excited ako pero at the same parang restless pa rin ako sa mangyayari bukas kaya parang nawawalan din ako ng gana.

(Itutuloy...)




 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Wednesday, May 26, 2004,1:13 PM
Photographs and memories...

Habang naghahalukay ako ng stuff ko sa mga boxes, napansin ko mga old pictures dito... luma na... ganito pala itsura ko nung bata pa ako... etong giraffe scene.. naalala ko pa... yung yata ang una kong punta ng manila zoo.


Me, with my two sis and mom and the giraffe

Tapos eto namang pic na to... di ko na maalala... pero natatawa ako sa itsura ko... mukhang groovy kid na di alam ang salitan GOLI.


Groovy Bomby

I was trying to locate yung iba pa naming pictures... pero di ko na mahanap yung mga albums... kalilipat namin ng bahay... naiwanan na yata. Siguro nga, kaya naimbento ang pictures... para di tayo makalimot sa mga pangyayari sa buhay natin... kundi man sa atin, sa mga taong nagpapahalaga sa atin.

Nagsimula lang naman ang aking "find the picture" drama nung me kailangan akong reference image para sa isang project ko... meron kasi akong kid pic na nakasakay sa 'Takang kabayo', yung papier mache na gawa sa paete... na miss ko yung laruan na yun... may nakita ako isang beses sa may antipolo, nyak! ang mahal... 250 pesos daw... naknangtinola... *sana may magregalo sa akin* hehehe.


Horsey horsey... tigidig tigidig

Na miss ko tuloy yung mga laruan dati...



 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 4 comments
Tuesday, May 25, 2004,5:55 PM
Trials...are Pure Joy!

Just got home from work, maaga akong nakauwi today. May Bible study kasi kami, e maagang natapos kaya pwede na agad umuwi. Ganda ng readings na diniscuss kanina sa bible... tungkol sa trials... i quo quote ko...


"Consider it all joy, my brothers, when you encounter various trials, for you know that the testing of your faith produces PERSEVERANCE. And let perseverance be perfect, so that you may be perfect and complete... LACKING IN NOTHING".


Napaisip tuloy ako kung paano ko i handle yung trials sa buhay ko... minsan nga, dahil sa mga trials na dumaan sa buhay ko, pakiramdam ko, matigas na matigas na bato na ako... Parang nagbago ang pananaw ko kanina nung binabasa namin to, ang hirap nga lang sigurong sundan, kasi may tendency akong maging matigas ang ulo sa lahat ng situation. I always want things my way! Along the way... I have no choice... but to persevere... in the and... all I want is Nothing but GOD.

had a hefty lunch kanina sa mcdo... halos masuka ako sa dami ng nakain ko... *background* naririnig ko pa... "you ordered for 1 quarter pounder meal... go large... and 1 mcnuggets... sir? would you like sweet and sour or barbecue sauce for your nuggets... how about dessert sir..?" Dessert? are you crazy? andami dami na nga nyang inorder ko!(sa isip lang... eheheh)... busog na busog ako pagkatapos.


One hellava meal!

Mamaya meron kaming singles... sana kung ano man ang gagawin namin... maging meaningful na naman... may Encounter na naman kami ni Big Boss
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 3 comments
Monday, May 24, 2004,8:21 PM
Living in Heightened Sensation

Simula ng magblog ako, mas lalo akong naging observant sa paligid ko... alin kaya ang pwede kong ikuwento, mga bagay, mga tao... Eto siguro yung sinasabi nilang Zen experience... ang "being at the moment". Pero kung minsan magtataka ka, kasi panong mangyayari yun, e kung boring ang buhay mo... trabaho, bahay vice versa... siguro nga dapat mas iappreciate mo lang ang bawat segundo ng nangyayari sa buhay mo... masaya man o malungkot...

Kanila naglalakad ako pauwi, bigla akong natawa, may nakita akong taxi, ang pangalan, "Felix the Cab" iba rin talagang mag-isip ang pinoy, sagad sa buto ang sense of humour. One time naman me nakita ako, pangalan naman ng taxi "Hakuna Matata", parang yoko yatang sumakay dun... mukhang reckless ang may-ari... Kung maieexport lang natin ang creativity ng pinoy, malamang, umasenso ang pinas.

Kanina, nakausap ko yung isang prend ko, nagalit yata sa akin, dahil sinira ko yung kasunduan namin... i feel sad, dahil di ko naman sinasadya yung nangyari, pero i know na may karapatan naman siyang magalit sa akin... :( ma mimiss ko to sobra pag di na nya ako kinausap... kaya kung nababasa mo man to... batiin mo na ako
:((

Share ko lang picture ng alaga kong pussy cat... Meet maya

Maya doing her crouching tiger stance
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Sunday, May 23, 2004,5:38 PM
B1 and B2... ang pagtatagpo at ang Curry Sunday

Sabado ng umaga, yun ang usapan namin nila jo para sa aming pagtatagpo... medyo na late lang kami ng dating... kasi naman, sa dami dami naman ng pagkakataon, tsaka pa kami nawalan ng tubig... buti na lang nagkatubig ulit at nakapag ayos na kami ni Rc... takbo kami agad para i meet si Jim sa Mcdo Taft, inip na inip na raw... Naubos nya na lahat ng nasa menu ng mcdo... buti na lang... dahil buong araw pala kaming di makakakain.

Taxi agad papuntang gilmore, tawag sa telepono "Jo, andiyan na kami... konting konti na lang malapit na kami.." Tapos sabi ni Jo, "Asan na kayo?" Sabi ko "Basta malapit na kami...wag kang magagalit". Ang totoo, nasa taft pa lang kami.

Pag dating ng gilmore, punta kaming PC madness, finally, nameet ko na si b1... ang aking lalabs! ehehehe. Ang bati ba naman sa akin... wag kang lalapit... mukha tayong number "10". Bwahahaha... kakatawa talaga to si Joanne, though ang first impression ko sa kanya...siya ay "love sick", di naman pala. ang saya saya nya kausap, tawa lang kami ng tawa. Si rc naman, parang natutuliro na, ikot dun ikot dito. May nakita akong cordless mouse, gusto ko sanang bilihin kaya lang inawat ako nung dalawa... buti na lang sumunod ako... pero gusto ko na talaga ng cordless mouse... nyak, kaso ang mahal, nevermind. Habang nag kwekwentuhan, picture taking ng konti... Click


B1 at B2

Finally, natapos din yung dalawa sa kanilang agenda, sabi ni RC lunch daw sa kanila, naknangtipaklong, alas 4 na yata kami natapos, buti na lang may donut si joanne sa sasakyan, 2 pa ang nakain ko... yung lunch naging hapunan. Pero masaya naman kami kahit gutom na gutom na. Lakas ng ulan nung nasa coastal road na kami, gusto ko sanang bumili ng fish cracker sa gutom kaya lang every time na may dumadating na naglalako, biglang "go" na yung signal kaya kailangan na naming umandar. Ang haba ng biyahe, at sa wakas, nakarating din kami sa bahay nila ronnie, na meet namin ang kanyang family, at extension ng kanyang pamilya na nag vivideoke... nood naman kaming Star Circle quest something habang hinihintay ang chibog. Sarap ng pagkain... Lechon kawali, adobo, calamares, ensalada... (ginugutom ako ulit... sana tinotohanan yung biruan namin na pwedeng mag take-out). Binaba namin mga stuff, then, kinantyawan ko si Joanne, "Gerry's tayo! parang nalalasahan ko sisig..." tapos nagkakayayaan na... si ronnie... kinulit din namin kaya napasama din... sa Libis...

Malakas pa rin ang ulan, habang papunta kami, natrapik kaming bigla... may santacruzan pala... rain or shine... tuloy ang parada ng magaganda... ang ganda ng reyna elena, di ko lang nakunan.

Gerrys, order kami ng sisig tsaka san mig light. Medyo nalalasing na ako kaya tumahimik ako sa kwentuhan, si joanne naman... kwento ng kwento, tungkol sa ali at sa paglay-out ng html.

Ang haba ng oras na magkakasama kami, si Joanne, miss na miss na ang kanyang mga "boys", si rc plakda sa likod ng sasakyan, Ang saya ng naging araw ko... sana maulit ulit yung gala namin...
====================
Linggo, late ako sa mass, pero nakaabot pa naman, wore my pink shirt, at mukhang lahat ng tao tumitingin sa akin. Parang gusto kong itanong, "Ngayun lang ba kayo nakakita ng kulay PINK?" pero since simbahan yun, smile na lang ako... natapos ang mass, nagyaya akong kumain ng Indian food for a change, masarap naman yung naorder namin mutton curry, kakaiba...


sa loob ng indian restaurant

Uwi ng bahay sandali, inayos ni arlene resume ko, naidlip ng konti, though nakapikit lang ako, di ako makatulog, rehease ulit ng 2:30 tapos nag uwian na. Sarap mag blog... nakakatanggal ng stress... ehehehe

 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
Friday, May 21, 2004,7:52 PM
"Buti pa ang langgam... Alam"

Banas na banas ako kanina dun sa mga di marunong pumila. Friday kasi ngayun, kaya akong na assign mag kolekta ng kaperahan ng isang kliyente namin... It's supposed to be a collection on site agreement, bayad ng mga tao diretso deposito sa bangko... Sobrang daming nagbayad... ni hindi na nga ako makapagsalita sa kakaresibo at kaka kolekt ng pera... ang nakakainis pa... andaming sumisingit sa likuran ko... porket malakas sila sa asosasyon... parang gusto kong itapon yung mga papeles sa kanila at sumigaw na "PUMILA NGA KAYO! ISANG DAANG PISO LANG NAMAN ANG LAMAN NYANG MGA WALLET NYO! KUNG UMASTA KAYO PARA KAYONG MAY-ARI NG CENTRAL BANK!" naawa kasi ako dun sa mga drivers na pumila ng matagal tapos etong mga to...astang hari... pero ok na ako... nahimasmasan na ako..eheheh

Tumawag daw sa branch yung isang staffing agency... tinatanong kung interested daw ako mag work sa cruise ship... gusto ko sanang tawagan kaya lang medyo hesitant pa ako... nakakatakam ang sweldo... pero... pag iisipan ko muna...

I really feel accomplished today...

Namiss ko ng sumakay ng jeep... kasi sa loob lang ng jeep ako nakakapag muni muni... dun lang ako nakakapag isip ng ideas na magaganda... lately kasi, sa kalelate ko napapataxi ako ng di oras. Iba talaga ang takbo ng utak ko pag nasa loob ng jeep... ultimo basket na basurahan, nung tinitingnan ko habang nakasakay ako sa jeep... Ang ganda... gusto ko ngang kunan sana sa fone kaya lang baka ma weirdohan katabi ko... magtaka bat ko kinukunan yung basurahan.

Naalala ko tuloy yung movie na "American Beauty" na may scene dun ng plastic na nililipad ng hangin na akala mo nag ba ballet sa ere... even the most mundane things... maganda... kailangan mo lang talagang i appreciate...
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Thursday, May 20, 2004,7:46 PM
The saga continues

7:46... bukas pc... Blag! Blog... adik na adik na yata ako dito... kakauwi ko pa lang from the office, medyo na late ng konti ng uwi...medyo natagalan si Ma'am Bessie mag balanse ng managers checks, leave kasi siya tomorrow. Had early lunch, konti lang kasi ang tao, walang magawa kaya... nag lunch na lang ako.

Sarap sarap talaga ng "karioka", yung piniritong galapong na may asukal, meron kasing naglalako sa opis every morning, sa halagang sampung piso... ayos na! para ka ng nakatikim ng langit (exaggerated... ganyan talaga pag nasa marketing ka...)

5:30 PM, tumawag si Tricia... "Hello? O tumawag ka? mamaya ka na tumawag! marami akong ginagawa! tambak pa trabaho ko, di pa balanse ok?" sagot ni Tricia sa kabilang linya "Uy! na miss din kita!" Bwahahaha... natawa kami pareho... ganun kasi kami magbiruan... balibagan! bitin ang wentuhan namin... pero tatawag naman ulit yun.

Nag taxi na ako pag-uwi... umuulan kasi e... tapos nung pagbaba ko.. sabi sa metro, 65 pesos... dukot ng pera sa wallet... bilang bilang, abot sa drayber... aba't pumalag, 67 pesos na raw... e walangya pala to e... binilang sa metro pati pagbunot ko ng pera sa wallet... gusto kong ibato yung dalawang piso sa kanya at dunggulin ang mukha... pero since maganda ang gising ko... ang nasabi ko lang "eto po... 2 piso" bwahahaha...

What a day!

 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 3 comments
,7:42 AM
"Ispokening Inglis"

Aga kong nagising today... dahil ang aga ko ring natulog kagabi... kaya naisipan kong magblog hop sa mga ka alimasag ko... basa basa... naknangtipaklong... ang gagaling mag englis! bigla tuloy akong nainsecure... ang lalalim pa nung iba... pero ok na rin to... magtatagalog na lang ako... para maintindihan ko yung sarili ko pag binabasa ko sarili kong blog... ehehe

Bigla ko tuloy naalala yung in-email sa akin na bobong inglis..

As is! (as if!)
You can never can tell!
The more the mannier (The more the merrier)
The nerd! (the nerve!)
It's a base to base casis (its case to case basis)
Whenever! (whatever!)
Please hang yourself! (please hang on)
Eto sinabi daw ng isang bokyang sekretary (He's out of town sir... would you like to wait?) bwahahahah!

(to be continued... malelate na naman ako!!!!)
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 3 comments
Wednesday, May 19, 2004,8:28 PM
Rain

Ansarap talagang pakinggan ng patak ng ulan... parang na dedepress ako na nasasarapan...nakakarelate ba kayo? tapos mag mumuni muni ka... tungkol sa buhay... mga kabiguan at masasayang kwento tungkol sa lab layp, mga dreams mo... mga aspirations... parang nakikisabay yung ulan sa mga dalamhati mo sa buhay... pero parang nahuhugasan ka rin from your mistakes from the past... parang bago ka na ulit pagkatapos ng ulan... ***ssscccrrreeeecccchhhhh*** tama na ang drama... mabigat sa dibdib... hehehe

Pumunta kami ng island cove kaninang after lunch, site inspection para sa Area outing namin... maganda naman yung lugar for our purpose, at meron pa kaming complimentary meryenda, sana nga lang walang makukulit na magrereklamo pagdating ng date ng outing...don't you just hate reklamadors na wala naman sa lugar magreklamo... na gusto mo ng sapatusin at sabihing " E MAGALING KA PALA E BAT HINDI IKAW ANG GUMAWA!?" bwahahaha i could just imagine ang mukha nun pag nasigawan ko ng ganun eheheh...

Was planning to meet rc after the site inspection kaya lang mukhang uulan (at umulan nga)kaya umuwi na lang ako... tsaka maaga rin kaming natapos. Ang rating ko sa araw na ito? BORING... pero buti na lang umulan... sumaya ako ng konti, maski papaano...

*ngiti*


 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Tuesday, May 18, 2004,11:15 PM
Bring it on!

Groggy ang gising ko kaninang umaga... pero better than the previous ones... puyat kasi ako lagi this past few weeks. Pasok sa work, blah blah blah... Tinapos ko yung problema namin for the ocular inspection sa island cove... and finally, may way na kami tomorrow pag punta namin dun.

Lunch : binagoongan, rice at mountain dew...

tapos I have to rush to our Salcedo branch para sa bible study, we sang a few songs... ok naman ...

Maaga akong nakauwi... kasabay ko si Lorainne, nagtaxi na lang kami...

and here is where the fun part begins (sarcastic)

Pag-uwi ko ng bahay, walang tao, at nakalock ang gate... di ko macontact mom ko and sis, ring lang ng ring ang fone niya, was really pissed off... kulang na lang maging incredible hulk ako! at wasakin yung lock ng gate... intay for 1 hour... mukhang uulan pa... pumunta pala sila sa tita ko... galit na galit ako di ko sila kinakausap pagdating nila! at baka pasigaw ko pa silang masagot... kaya tumahimik na lang ako... wala ako sa mood kumain ng dinner dahil sa inis...

Maya maya... nagtext ang boss ko... di raw siya nabigyan ng feedback regarding the ocular inspection sa Island cove... totally forgot to give her feedback... pero naayos ko na naman... napikon lang ako kasi di ko alam kung bakit parang di nya pa ako kilalang magtrabaho na pag meron problema... irereport ko naman sa kanya... e kaso naayos ko na, kaya i di na ako nagbother magtext sa kanya... nakadagdag pa to sa init ng ulo ko (boy, I am an angry man!)...

*think happy thoughts*

ayokong matulog ng galit... babasa muma ako ng libro na bigay ni rc... baka magbago pananaw ko...
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Monday, May 17, 2004,10:12 PM
Wet Monday

Late na naman ako sa work today... as usual... buti na lang di na pinansin.. absent si abby today so medyo naging busy ako kanina... signal number 1 sa manila kaya ulan ng ulan, buti na lang... at medyo lumamig lamig ng konti dito sa manila. Nagpunta si Ma'am Bessie sa boracay... sayang nga lang bumabagyo daw... di rin nila na enjoy, tumawag sa branch.

Am still preoccupied with this blog thing... buti na lang may blog developer ako.. atsaka mga blog advisers... hehehe... Thank you nga pala sa inyo... lalong lalo na sa blog developer ko.. kahit underpaid... hehehe!

had dinner... sabi ko tulog akong maaga... kaya lang di na yata mangyayari yun... kasi ansarap magpuyat.

 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
,3:23 PM
Bertdey Blues

It's 2 days after my birthday... naging masaya ang birthday ko dahil bago pa man ako mag 26, nakapunta ako sa Puerto Galera para makapagsoul search... Pero nakakasawa rin palang makarining ng happy birthday... pag buong araw mo naririnig... though di naman ako nagrereklamo hehehe... kasi at the back of my mind... nagtatampo rin ako sa mga "old friends" ko... nakalimutan ba naman akong batiin... at karamihan sa kanila... belated na ang bati... Masaya na rin ako... dahil may mga nahanap akong bagong mga kaibigan... na kahit di pa man ako nakita ng personal... tinawagan pa ako sa cellphone... para lang batiin ng happy birthday...

After work...nag dinner kami ng bespren ko sa Grappas sa greenbelt... masarap pala ang oysters... dati kasi diring diri ako... pakiramdam ko... kumakain ako ng plema... pero masarap pala... ang hirap neto pag nawili ako... ang mahal na bisyo.. eheheh...

Saturday, Napunta ako sa office ni Fr. Manny to discuss the design for the priests quarters na nirerenovate... met a chinese painter from china... ang hirap pala mag explain ng art kapag may language barrier... pero same channel naman... kasi somehow kahit tango lang ng tango yung artist from china... alam ko naiintindihan nya kung ano yung paintings na gusto kong gawin nya. After that meeting, nag rehearse sa choir... then nakipagmeet with a friend to watch Troy... maganda... pero di ko alam kung mas maganda sa Van Helsing.

Sunday na ngayun... ang haba na nang araw... antok na antok na ako...ang masasabi ko lang... this is my best bertdey sa lahat na naging berdey ko! hehehe!
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Tuesday, May 11, 2004,12:48 AM
Proud to be pinoy...

Araw ng eleksyon today... at mukhang circus ang buong
paligid... I regret na di ako nakaboto... sayang, kasi di
ako naka register and transferee kami...

Guilty... pero ang magagawa ko na lang siguro ay maging
isang mabuting Pilipino... sa isip, salita at sa gawa...

Sana... maappreciate ng bawat pilipino ang pagkapilipino
nila... bilang lahing magiting... lahing di
palulupig...lahing mapagmahal... lahing mapayapa...

=============================

Nawala ako ng 3 araw... hinanap ko yung kaluluwa ko...
marami akong naintindihan sa loob ng 3 araw... sapat na
para malaman lahat...

Maraming bagay ang bumalik pagkaalis ko... mga bagay na
nawala... pero pag balik ko...

ibang tao na ako...


Sa Puerto Galera



 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
Monday, May 03, 2004,3:52 PM
Minsan

Kakauwi ko lang galing office... and I still feel
exhausted... umalis ako going to Caliraya 7:00 AM
Saturday... tapos alis ng Caliraya ng 7:00AM ulit
sunday... tuloy naman sa antipolo... minsan di ko na alam
kung ano ginagawa ko... para na yata akong robot...

minsan gusto ko ng maubusan ng baterya...

minsan... iniisip ko...bakit naging ganito na ang buhay
ko...

minsan... di ko na maintindihan ang mga tao sa paligid
ko...

minsan ...ayoko na talaga...

minsan...babasahin ko ulit to...

minsan lang pala nangyayari to...

 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Saturday, May 01, 2004,9:18 AM
Real People

It's 2 in the morning at kakauwi ko lang galing sa EB ng
alimasag... It was fun meeting my crabbarios for the 1st
time... though at first medyo naiilang pa ako kasi kaming
dalawa lang ni jeff(toink) ang bago dun pero sila
magkakakilala na... nung una, dapat choir practice...
nakakatuwa... ay parang maling term... nakakatawa yung
tunog namin... but not bad for first timer choir... though
some of them are already members of different choirs... in
the end... we had good laughs... goofy si lucci, friendly
si rye, kwela rin si Giray... Daeng was with her
significant half... sarap ng tsibog... mukhang mawiwili
ako... all of them are real people... and it was nice
meeting the real person behind the nicks and avatars...

================================

Tomorrow, ill be going to Kaliraya... di pa rin ako
nakakapagempake ng stuff ko... bukas ng umaga na lang pero
malamang tulugan ko mga kasama ko...

tapos takbo ng antipolo para sa responsorial psalm...

Naging hectic na ang skedyul ko for the past few weeks...
kailangan ko na yatang magpa appointment kay BOSS, baka
pagalitan na ako... di na ako nagrereport sa Kanya...


 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments