Eindelijk! Suplada is hier!...
Excited ang lahat... mamaya mamemeet na namin si Ate suplada, nagulat ako nung Tuesday biglang tumawag siya sa cellphone ko, kasi naman, naging busy ako lately, di ako nakapagbasa ng mga blog, pauwi na pala siya dito sa pinas. Nag ring ang phone, sabi ko "hello? sino 'to?" sabi nya... "di mo ko kilala?" "Sino ka nga?, magsalita ka pa!" tanong ko ulit. Tapos na realize ko, teka eto yung narinig kong boses sa voice chat namin ha... Napasigaw ako bigla... "SSSUUPPLLLAADDDAAAA" I was really happy to hear na nandito na nga siya sa pilipinas, ineexpect ko kasi mga September or October pa siya darating. Nagpromise ako sa kanya ng painting, kaya after talking to her at pag-alis ng office, dumaan ako agad ng National para bumili ng canvass board. Natapos ko yung painting in two days time... bigla akong na pressure, hehe! I hope she likes it... sa Holland pa raw niya bubuksan, pero ipapakita ko na sa inyo.
Gift ko kay Ate Sups... buti pa to, makakapunta ng holland *sigh*
June 18, 2004, 53rd anniversary ng Security Bank... kaya meron kaming Sorbetero inside the branch para sa aming mga clients... naka 5 ice cream yata ako... Manggo, avocado, tsaka cheese yung flavor na dala ni Manong, although medyo na late siya ng dating kasi hinarang daw ng pulis ang mamang sorbetero habang papunta ng Makati. Nakakatawa, mas mahaba pa yung pila sa sorbetero kesa sa mga tellers namin.
Mamang Sorbetero...53 years old na kami!!!
Finally! mamemeet ko na si Sups, medyo nag change plan ako sa scheduling kasi naman... panira ng gimik ang trabaho... kailangan daw naming mag overtime sa branch kasi malapit na kaming i audit... so instead of meeting ate thess ng 7:00 p.m. naging 8:30 tuloy... si joanne naman, drinadramahan akong di daw siya pupunta... na alam ko namang pupunta siya... Tawag siya sa cellphone ko, di daw nya mahanap ang greenbelt, mag papark na lang daw siya sa Glorieta tapos mag tataxi papuntang greenbelt! toink! sabi ko magpark na lang siya sa amin, libre pa... kaya sabi ko, umikot sya ng Mc Do greenbelt, i meet ko siya dun, at ayun na nga... nakaparada rin!
Sabay kaming nagpunta ng oodys! and there she was... totoong tao na... gumagalaw, nagsasalita! Pagkakita ko sa kanya... beso here beso there... ang saya, nakita ko na rin si Sulada... First time kong naka encounter si Ate thess sa chat, pinakilala sa akin ni Ymir, tandang tanda ko pa... I was hitting on her and daeng(i admit hehehe) brinaso ba naman ako... nakigatong pa tong si Aves... bwahahaah... then the rest was history!
Nandun na si Lucci, Neo at Jethro and Fiona pag dating naman... at kantyawan ang lahat kasi bat daw kasi sabay dumating ni b1 bwahahaha! Andami naming inorder... masarap naman... kunsumido nga lang ang mga waiters sa oodys... kailangan tawagin mo ng five times bago dumating yung hinihingi mo... at namimisinterpret pa yung hand signal na tissue as bill... kasi namang hand signal yan! Dumating si Aves at Kim na nagiging hobby na yata ang pag pupuyat... Screw call of duty! bwahaha! tapos sila Wabi and Rei na galing pa ng cavite... kwento dito, kwento dun, namamangka yata ako sa kwento kaya, patapos na ang lahat sa pagkain, kami ni aves, nag kokontes parin para maubos yung kinakain namin pasta... meron pang "how to use your chopsticks demo" kumain na lang kasi e... kwento pa rin kami ng kwento ni aves. Tapos, mga 9:00 na wala pa si Marlon tsaka Ronnie... antagal naman ng mga yun, may symposium daw sa Westin kaya natagalan, Tinext ko, "Asan na kayo?" Tumawag sa phone, patapos na raw sila, darating sila mga 10:00, ok lang, maaga pa naman, tsaka masarap naman ang kwentuhan. Until dumating sila, Nakakain na raw so ate sups settled our bill, nakakahiya man... tsk tsk, sana umorder pa kami ng marami... hehehe!
Lucci and Fiona... Oodylicious!
Aves and Kim... Get a Rooooommm!!!! tulog yan si Kim... akala mo lang gising... PERO TULLOGG !! TULLOOOGGG!!!
Orthej (ang hinire na macho dancer para sa pag salubong kay ate sups!) lucci at fiona ulit!
Ms. Holland at si Neo...
Finally! Nasilayan na rin natin ang Suplada... at yung waiter na aburido...
Ms. Holland ulit, Bullitgerl at Neo
Lipat kami ng Coffee Bean and Tea Leaf sana kaya lang, sobrang puno ang mga Cafe's kasi weekend kaya we decided na mag ktv na lang sa Red Box.
Inside Red Box, Room 26... Bombs, Sups, Rye, and Fiona
Sobrang kwela kami pagpasok sa room 26, di magkaintindihan kung paano iooperate yung ktv machine... lahat nakikigulo, press 0, press 911, press 14344... hala sige, up until naisip nilang tawagin yung operator... ah, ganun pala yun. At siyempre, walang patumangang kantahan ang nangyari... kanya kanyang birit... pero ang star sa lahat, ang suplada syempwe! Si Jethro... walang sinabi si Keith Martin... panis! bwahahaha! sing and dance pa ang ginawa! kami ni lucci, lahat yata ng kanta, nilalagyan ng "hee hee" ala Michael Jackson!
Younger version ni Chanda Romero, ay si Rye pala, at si Lucci, ang aming vocal coach...
Syempre ... ang aming finale... Aegis... (ghost singer nga lang)...
Basang Basa sa ulan!
3:00 in the morning na kami nakauwi... sabi nga ni lucci, it was one helluva night! Umuwi na kami ni Ate, Jo and Ymir, pabalik sa parking lot namin. ilang oras na lang, umaga na naman... sana huminto kanina yung oras...dahil nag enjoy talaga ako...