Yes! the world revolves around me.
Wednesday, June 02, 2004,6:57 PM
Karir!
Nagmamadali akong pumasok ng opis, dala dala ko yung mga pa premyo para sa games ng outing namin sa sabado, sobrang hassle, andami ko ng dala, ang lakas pa ng ulan! Tapos pag pasok ko ng opis, nabadtrip pa ako... di ko na maintindihan kung sino susundin ko sa mga utos... lalo tuloy akong nacoconvince na dapat na akong magresign, not because ayoko ng maraming trabaho... pero parang di na ako nag eenjoy sa working environment ko. Nadepress tuloy ako ng di oras. Dati ko pa namang gustong mag resign kaya lang parang laging hinaharang ng circumstances yung pagreresign ko... kaya laging nauudlot... but right now, at this time, mukhang wala ng hadlang...makikiramdam pa rin ako, pero mukhang may Go signal na sa itaas...
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 1 comments

May go signal na ba dear? Go ahead pogi. Kung di ka na talaga masaya di ba :)
Good luck!! ;)

~
Post a Comment