Nangyari nung sabado... pero ngayun ko lang nakwento... continuation ng pondong pinoy
Nag mack si char, sumama na raw akong mag lunch, sa pca, sabi ko sa kanya, after lunch ko na lang siya pupuntahan sa booth nya kasi nga free saturday ko yun... araw na pwede akong tumunganga. 10:30 na, decided to take a shower, maya maya, aba't sinusundo na ako nung dalawa, si char and arlene... bigla ba namang nag house visit para pick upin ako... anyways, ano pa nga ba, e di sama na rin ako... had lunch with them, kakatawa yung mga prinesyohan naming merchandise ni char... kwela!
Sumunod si vange sa pca, galing daw office, patapos na kami nung dumating siya, so we have to convince her na umorder na rin kahit tapos na kami... medyo masama na ang pakiramdam ko nung time na to... pero pag nakakatawa ang mga kasama mo, parang nakakawala ng sakit :D hehe
After having lunch, punta na kami para mga set up ng booth... andaming mga paninda, iba iba, me relos, may dried fruits, jamaican patties, squid balls, hamon, plastic balloon, masaya ang paligid though ang nagbibilihan lang, kami kami rin.
Nakaset up na ang booth, at ang daming bata, bisperas kasi ng piyesta kaya may childrens party sa parokya para sa mga bata sa community, yung iba ang kukulit at kinukuyog si char habang nag gliglitter tattoo sa mga customer nya... Major pissed off nga sya napansin ko... pero dinadaan na lang sa biro... patulan daw ba ang bata, bwahahaha.
Box office hit ang tattoo sessions ni char
Nung una, kami kami ang nagtatattooan, dahil ala pang customer...sabi ko, sige na, magpalagay na kayo ng tattoo para walking advertisment... until unti unti ng dumadating ang customer... unang customer... si Bernie... tapos sunod sunod na, naka buena mano na si char. It took 2 demos for me to get the idea of tattooing with glitters... tapos, confident na ako. Dami ko ring natattooan, and I hope nagustuhan nila yung tinattoo ko sa kanila.
All smile si charlene habang tinatattooan si Queenie, vange on the side
Riot sa tatuan...
Masayang makita yung glitter tattoo... nakakadagdag sa festive mood nung bazaar... matagal daw mawala yun, mga one week, yung ibang student, takot magpatattoo... baka mapagalitan daw ni Sister... pero kung alam lang nila, si sister, pasilip silip din sa tattooan... parang trip magpalagay... sabi ko, "uy si sister, gusto yatang magpalagay, kaso walang cross e" bwahahaha!
Mga batang munti... kuntodo tattoo
Yung iba daring magpalagay ng tattoo, meron sa likuran, meron sa may bandang pigi... pinipilit nila akong maglagay na rin, sabi ko, tsaka na lang, may gimik ako mamya e... pero gusto kong magpalagay sana sa navel... hehe... daring ba kamo?
Dolphin ni Roma
After the choir rehearsal, tumuloy na ako sa Gerry's, may mga importanteng tao akong mineet.
Then, the next day... di na ako makabangon