Yes! the world revolves around me.
Thursday, June 24, 2004,7:07 PM
Naligo ka na ba?
Set na ang appointment, thursday daw, mga 10:30 ng umaga, kailangan kong mag-install ng program para sa kliyente namin sa Ortigas, nakapagblog pa ako kaninang umaga, pwedeng ma late, hehe... sakay ng taxi, san daw ang gusto kong daan, sabi ko, kahit saan ho... Sta. Mesa na lang daw...ok sabi ko. Maya maya, inakup! ano to, antrapik! naknangtinola, piyesta pala sa San Juan! buti na lang nag taxi ako, malamang dalawang beses ako maligo neto, halos dalawang oras yata ang byahe ko sa sobrang trapik, pupugak pugak pa yung sinakyan kong taxi, sabi nung driver, "I lock mo yung mga pinto", buti na lang naisip nya yun! eh ang kaso, maya maya, yung taxi nya, tumitirik!, panay panay ang dasal ko... nako! wag sanang tumirik! manong! wag nyo silang bigyan ng chance na basain tayo! sa awa naman ng Diyos, nakarating din ako sa kliyente... though naghintay ako ng konti kasi may binili lang daw yung tuturuan ko ng software... balik ulit ako sa branch, lunch...


Basaan sa San Juan


Pwede ng hindi maligo...

Maagang natapos ang mga tellers...I still feel sick! sakit ng lalamunan ko, at clogged nose, sana umabot ako sa linggo, piyesta pa naman sa St. Peter... namiss ko na kumanta ng Psalmo...

Nothing significant happened today... June 24... 3 months na pala kaming magkakilala ni r_cie... funny how a stranger suddenly becomes your brother, parang antagal na naming magkakilala nito... my bosom buddy... as arlene would say it... to my kuya! salamat sa lahat! dito lang ako lagi.

Pahinga muna ako sandali... kailangang magpagaling.
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 0 comments