Yes! the world revolves around me.
Thursday, June 03, 2004,11:11 PM
Choppy entry
Medyo nag normalize na ang depression ko today... di na ako binuwisit ng mga tao sa opis... mukhang tinopak lang ata kahapon ang mga tao. Hilong hilo na ako sa pag organize ng area company outing namin... reklamo dito reklamo duon... di na lang umattend at mag enjoy e... pero sana successful ang outing pagdating ng sabado.

Napaparanoid ako kanina dun sa friend ko kanina... parang ayaw makipag-usap na ewan... pero sana busy lang talaga siya.

Kakuwentuhan ko yung boss ko kanina habang pauwi, sinabay nya na ako pauwi since dun din ang way nya papunta sa house ng parents niya. Tungkol sa husband niya, their marriage and stuff...naentertain ako sa wento nya kahit medyo nabubugnot na ako sa trapik since umuulan. Pang "Maalaala mo kaya" pala ang kuwento ng asawa nya... magamit ngang storya para sa isang concept... hehe, di kaya idemanda ako neto? Pagkauwi ko, browse browse ng konti sa mga blog ng prends ko...

Tapos, biglang nagtext si joanne, may EB daw sa 12... hmmm di ko lang sure kung makakapunta ako dito kasi magiging busy na ako for the next few weeks... souvenir program ng St. Peter, tapos fiesta... :(

Kailangan ko na ata mag undergo ng time management seminar... nagkakapatong patong na ang mga priorities ko...

Napaka choppy ng mga kwento ko...

The search is still on... resume... ready for action.. hehe
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 2 comments

prof...basta 'isingit' mo kasi 'malapit' na tapos 'maigsi' pa...

fiesta ng/saan?

~

Oh sya! sa kin ka magseminar. hehehe!
pero bago ang seminar, gimik muna with tinik :D
prof, isasama na ba din natin yung fans day mo... may kasamang free palm reading?
hihihi!!

~
Post a Comment