Yes! the world revolves around me.
Sunday, June 13, 2004,10:22 PM
Laffin Sunday!
Ngayun lang ulit ako nakapagblog, naging busy kasi ako lately... at mukhang ang mga kaibigan ko sa ali ay clamoring na for my entry... hehehe correct me if I'm wrong, pero dont worry, tiba tiba naman kayo sa pics sa entry ko for today.

I attended our church service kanina, ok naman ang mass, at nakaraos naman yung choir kahit ala si Ate rose, kailangan niya kasing tumugtog sa megamall... pagkatapos ng mass, umattend kami ng meeting para sa 50th anniversary ng parish, ang gugulo ng executive committee, they're really fascinating... in a funny way, sabi ko nga kay Arlene, natawa ako sa batuhan ng diskusyon kanina, kwela talaga, though pikon na pikon na siya kasi pointless na yung usapan sa meeting... Example, sabi nung isang character, tawagin nating character A, sa Columbian na lang natin idaos yung binggo..., tapos sagot si character B, hindi pwede kasi mahal...sa grounds na lang ng St. Peter, etc etc... biglang taob ang bangka, sabi ni A, oo nga tama, sa grounds na lang... pero mukhang di naman siya convinced... parang naggulo lang talaga! bwahaha, natapos kami ng walang nafinalize... how ironic.

Tapos, nagyaya si Jec na sa kanila na lang mag dinner, birthday daw kasi ni Pawpaw (ako ang nagbinyag sa kanya ng pangalan na to..), younger brother ni Jec, daming chibog, pero sandali lang kami, parang ang nagyari nga "Eat and Run" kami...


Arl,Vange,Jepoy and Pawpaw... ang bertdey boy

Hiniram ko cell ni Paw, nakipagblue tooth ako sa kanya ng mga wav files and wallpaper...tapos kita ko, may wallpaper siya ni Sandara...Bwahaha, umiral ang pagkajologs ko... pinasend ko sa kanya... kakatuwa talaga tong koreanang to!


Sandara

Pagkatapos ng chibog...balik ulit kami sa St. Peter para magrehearse for the fiesta mass, though antok na antok na talaga ako... the show must go on.. kaya kailangan pa ring mag praktis...

After ng kantahan, nagcrave talaga ako ng mocha frap, kaya nagyaya ako sa kanila sa starbucks... sa may intramuros, nauna kami nila Popoy, Vange, and Arlene... nagsipag order na kami while waiting dun sa iba pa naming friends, na napakatagal dahil bago sumunod ay naglaro pa ng mah jong... naknangtinolang mah jong frenzy yan.


quartet sa starbucks intramuros

Nung medyo maubos na yung drink namin, sa di maipaliwanag na kadahilanan, tawa kami ng tawa... as in tawang lasing... kung ano anong hirit... goofying around... si Vange, pinaglalaruan yung talukap ng mata nya para mandiri si Popoy... tawa talaga kami ng tawa!


Vange as pinoy sadako... que horror

Gusto ko talaga yung ambience dun sa starbucks Intramuros, meron isang painting dun, na pagtinitignan ko, parang kamukha ko... sabi ko sa kanila, siguro pag tumanda ako, ganun ang magiging itsura ko habang nagkakape... Sino kaya ang nagpinta nun? hmmm...


Kamukha ko ba?

Kakapagod din tong araw na to... pero napagod talaga ako sa kakatawa nung nasa starbucks kami kanina...come to think of it... natanggal na yata yung stress ko...
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 2 comments

oonga! Weird!!! Kamukha mo it's freaky!!!!

~

ang puLa ng iyong mukha... pa ren... hehe! the pinay sadaKo freaked me out. grabidad.

~
Post a Comment