Yes! the world revolves around me.
Tuesday, June 08, 2004,9:30 PM
Quarter life crisis at ang aking Katakawan! Bow!
Pagising ko kaninang umaga... nag-iisip ako, parang ala na yatang significant na nangyayari sa buhay ko... dinapuan na yata ako ng quarter life crisis... yung tipong bored na bored ka na sa buhay mo... pero andami mong gustong gawin? Pagpasok sa opis, nakaleave pala si ma'am emi, buti na lang walang masyadong tao kanina... kundi para na naman kaming hilong talilong ni abby. Antakaw ko ngayung araw na to, breakfast-Longanisa, sinangag, itlog, mga 10:30 - mais naman ang inupakan ko, tapos lunch binagoongan tsaka maraming rice, meryenda-siopao tapos hapunan, binagoongan ulit na luto ni mame, tsaka tokwa't baboy, tapos after mga 20 mins, nagpancake pa ako! naka chat ko kanina si jovy, nag webcam pa siya, kasama nya si andy, its good to see her again... at mukhang masayang masaya siya dahil nakakandong siya kay andy bwahahaha! get a room!

Just finished answering mga crabalita thread... nakakatuwa kung paano naiisip ang mga tao sa ali mga questions nila... I'm more fascinated with their questions rather than from my answers. Wish nga raw ni jo, umabot ng ten pages yung thread ko, hehe... 6 pages na! aabot siguro yun.

Am downloading some christian songs right now, mga kanta ng caedmons call... nagandahan kasi ako dun sa cover ng album nila kaya hinanap ko yung mga songs nila... not bad... pati na rin mga songs ni Cindy Morgan, magaganda rin.

Parang na miss ko biglang maging estudyante...pasok ng 8 uwi ng 5 ... parang pareho rin... pero parang mas madali ang pressure... unlike pag nag wowork ka na... or maybe masyado lang akong nastrestess sa aking paligid... kailangan ko yatang mag kikinig sa mga gregorian chants para ma relax ako... dito na muna!
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 1 comments

BWahahaha! re:Jovy and andrew
-char

~
Post a Comment