This is one lazy saturday morning, pero naappreciate ko, kasi ngayun lang ulit ako nagkaroon ng free saturday morning... after all the kabusy-han na nangyari sa akin this past few weeks, alas!... time for myself! Was blog hopping kanina, funny how this blog could be annoying sometimes, pag nagkukuwentuhan kami ng friends ko, parang ala ng mapag-usapan, kasi halimbawa.. tatanungin mo, "Kamusta na?" aba't isagot ba naman, "Basahin mo na lang ang blog ko!" ano ba yun? napasama ba yata. Welcome to the Age of Technology, excused na tayong di mag interact,Physically that is!
Kanina, I was watching studio 23, yung palabas, tungkol sa launching ng Pondo ng Pinoy, an initiative by the Catholics composed of laities at kaparian to make a change in the country, primarily para maibsan ang poverty. May magandang kwento si Tagle, sabi nya, one time daw, may batang nagpunta sa seminaryo nila, at nagtanong sa kanya, "Ano po ba itong building na ito?" sagot ni Father, "Seminaryo, iho", "Seminaryo? ano po yon?" tanong ng bata, "Diyan nag-aaral ang mga gustong magpari" sagot uli ni Father, "Pari Kayo?" tanong na naman ng bata, sabay hakbang sa unang baitiang ng hagdan, at muling nagtanong "Asan ang Diyos?", Father Tagle was so shocked to hear those words... He was even crying when he was telling the story, ang sabi nya, andami nya na raw napagdaanang mga pagsusulit... ngunit itong tanong ang biglang di nya nasagot, ang tanong, hindi nanggaling sa mga dalubhasa, o mga iskolar tungkol sa pananampalataya, kundi sa isang Lazaro... Pinakain nya ang bata, kasama ang isang seminarista, gutom na gutom ang bata, at umiikot pa rin sa isipan ni Father Tagle sa tanong ng bata, tila di mahanap ang sagot sa katanungan ng bata, asan nga naman ang Diyos kung ganitong andaming batang nagugutom... ang tanong ay mag halong pangongosensya..."Father, nasaan ang Diyos?" Balisa ang pari, tapos na ang bata sa kanyang pagkain at handa ng ihatid ng seminarista ang bata sa kanilang komunidad, hanggang sa namulatan si Father, gusto nyang habulin ang dalawa... ang tanong, nagkaroon ng kasagutan...Sabi ni Father Tagle, "Nasaan ang Diyos?...ang Diyos ay dumalaw sa akin kanina, kinausap ako...ang batang nagtanong ng Nasaan ang Diyos, Father?"
Pondo ng Pinoy
It was really a moving story, and I hope that all of us will see the face of God in every people that we meet.
Mamya na ulit, Don't forget to smile!
naku minsan naiisip ko na ding sabihin sa iyong... "basahin mo na lang sa blog ko." :D
Posted by Anonymous | 11:06 PM
~