Sabado na ulit! sensya na sa mga sumusubaybay sa aking blog... medyo busy lately at wala namang masyadong pangyayaring kakuwento kuwento... last saturday, nagpictorial kami for the souvenir program sa St. Peter, dumaan muna sandali si Arlene dito sa house para magscan ng logo's ng mga sponsors, tapos biglang dumating si Char... nabobored na siguro, kaya nagbabahay bahay... hehehe kasama nya pa ang pamangkin nyang si Nigel... nakakatawa nga yung mag tiyahin, pinapagalitan nya si Nigel, "Nigel, andumi dumi mo na!" "Nigel! Blah blah blah!" pero not to the effect naman na Wicked stepmother hwehehehe! Sabi ko sa kanya, "Char, pabayaan mo na... bata yan! hayaan mong i enjoy nya yung dumi dumi! hahahah! kunsintidor eh!"
Me, Char and Nigel... mukha kaming Holy Family bwahahaha!
Funny how I remember things and events vividly, kasi nung nandito yung dala, may sinabi si Char, about yung gusto nyang ibentang mouse pad with vintage chinese posters... sabi ko parang nasabi mo na yan for the 3rd time... tapos I quoted her, kung nasaan kami, anong kotse yung sinakyan namin etc, etc... tapos si Arlene tawa ng tawa... kasi ulitmo yung dialogue namin nung sinabi nya for the 2nd time naalala ko pa... si Arl den, pag nagaargue kami about things in the past sabi ko... ay nako! di ako pwedeng magkamali... ganito yung nangyari... kaya tawa siya ng tawa when I told that to Charlene... Naalala ko yung mga events... yung actual scenes... pero pagdating sa names, numbers at iba pang pag mememorize..wag mo na akong asahan... ultimo bertdey di ko natatandaan... bertdey ko lang ata ang naaalala ko e... minsan nga pati age ko nakakalimutan ko when filling up forms... siguro yung memory ko... pang eksena lang.. hehehe..
Sa work... nothing significant... si Ma'am Rhoda, yung boss ko dati, nag tag chikka text sa akin, basahin ko raw blog ko, nagtag daw siya sa blog ko... it's a good thing na nagcocommunicate pa din kami kahit na nasa Canada na siya ngayun... I guess they're a lot better na ni Sir Eloy dun... nage-mail din sya sa amin sa branch... nangangamusta.. miss ko na tong ex-boss kong to.. tsk tsk!
Well, things are better now... balik eksena na naman siguro ako... tama nga ang sabi nila... matatapos din to..
Armi is right, hawig kayong tatlo...but Nigel resembles my nephew ( oo ako lang ang bumbay sa lahi naming chinese )
and jeff, haba ng bangs mo...bagay pala eh!
Posted by Thess | 2:52 AM
~