Yes! the world revolves around me.
Sunday, July 18, 2004,9:08 PM
Sa Simbahan at ang Big Buddha
Yesterday, we sang for Fr. Manny's installation as our parish priest... and it was presided by Bishop Rosales, finally, nakita ko rin siya in person...   Maganda yung kuwento nya during the homily... about a small ugly, dirty church... when the people visited the place, all they can notice is yung karumihan ng simbahan... then an old lady who was cleaning the church pews heard what the people were saying, she said... "Our church might be small, dirty and ugly... but our priest is HOLY" ... and that parish priest is St. John Vianney.  Maganda rin yung sinabi nyang we (our community) are only as holy as our parish priest, we're (as a flock) only as close to God as our parish priest... They need our support... magandang realization 'to for me.   Enthronement din ng image ni Our Lady of Caysasay sa simbahan namin, bale nagregalo yung parish ng Caysasay Batangas ng replica ng image nila sa amin as a gift for our 50th anniversay...  maraming devoteeng Chinese Filipino ang Birhen ng Caysasay, sayang nga lang di ko nakunan yung image... antigong antigo ang itsura...
 


Fr. Manny installed by Bishop Rosales as our Parish Priest
 
Nagpictorial kami kanina for the souvenir program with the FCCY, maganda naman yung kuha... mukhang we still have a long way to go... medyo cramming na rin...
 
Last thursday... kumain din kami ng mga officemates ko sa Big Buddha sa Greenbelt... daming chibog... tsaka ansarap... Eto picture...



di naman kaya kami magmukang Big Buddha sa kabusugan?
 
Am watching "Pinay Pie" right now sa Cinema One, may mga parts na nakakatawa, lalo na si Assunta... o talagang mababaw lang talagang kaligayahan ko. 
 
Am still working on my Dream Blog, still in the process of choosing a blogskin na magfifit dun sa concept... intay intay lang kayo.  Galing ng blogger... pede ng palitan font, color etc...hehehe...buti naman naisipan nilang gawin to...
 
Dito muna, Ngiti kayo lagi!
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 2 comments

Ambilog ng face mo, tumaba ka ba?

d bale, bagay naman eh..

~

hi, jeff, Musta na kayo! Nabuhay ako nung nakita ko pics nyo sa Big Budhha. Balita ko na-promote ka, nanlilibre ka ba dyan? Buti pa kayo, miss ko na kayo! Visit ko lagi itong website mo eh, interesting lang basahin. Kamusta na lang sa lahat ha! Himala ha si Mam Bessie nasa gimikan ha!

-rhoda-

~
Post a Comment