Yes! the world revolves around me.
Saturday, July 24, 2004,10:18 AM
From one emotion to another...
Alas! ngayun lang ulit ako nakapagblog... cause it's saturday and I have all the time in the world for myself.  The week has been so-so, ang pinagkaabalahan ko lang, yung pictorial para sa St. Peter.  NAPAKAGULO! minsan yung ibang organization na kukunan, nangiindiyan! hmp!  nung isang araw nga winok outan ko, ang tutulet eh!  Sana makaabot kami sa deadline.



May mga balitang hindi maganda akong natangap this week, and looks like I will be having a hard time sa mga darating na araw... pero Ok lang... ika nga, "When the going gets rough!... I gotta be smooth.. *kindat* hehe".  Medyo kailangan lang sigurong mag focus sa mga priorities, pero masosolve din.

Last night kumain na naman kami nila Arlene and Erika sa Assad,  busog na busog ako... pero ansarap kasi e... kaya lang nga umuulan nun kaya ng paguwi namin puro putik yung mga paa namin...  Daming hassle nga lang nangyari before we ate, kasi iyung gagamiting battery for the pictorial di daw compatible sa digicam, sabi ko sa sarili ko, yoko ng magalit... nakakasira daw ng looks... sabi ni Ronnie... kaya nga nag simula na akong uminom ng stresstabs (plugging); In the end, natapos din naman yung pictorial kahit paisa isa.
 
Napunta ako sa blog ni Jo, bat kaya nagkaganun yun? *taka*  sana magparamdam sa akin (parang mumu... hehehe) Pero nakakalungkot... namiss ko yung pagka bubbly nun! tsk!
 
Lahat din nagkakagulo dahil may Angelo frenzy, yung OFW na nahostage sa Iraq... am having mixed emotions sa nangyari sa kanya... may nagsasabing duwag tayo kasi pinull-out yung humanitarian troops, yung iba naman, mas importanteng maisalba ang buhay ng isang tao.. iba ibang pananaw... worst scenario sa mga pangyayari? andaming politikong nakisawsaw sa issue... in the end, Mabuhay pa rin talaga ang Pilipino!
 

Dito na muna, babalitaan ko kaya kung may magandang maibabalita...
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 0 comments