Yes! the world revolves around me.
Wednesday, November 21, 2007,10:19 PM
Paglamig ng Hangin
Paglamig ng hangin
hatid ng pasko
nananariwa sa aking gunita
ang mga nagdaan nating pasko
ang noche buena't simbang gabi

Narito na ang pasko
at nangungulilang puso ko
hanap hanap
pinapangarap
init ng pagsasalong tigib sa tuwa
ng mag-anak na nagdiwang
sa sabsaban nung unang pasko

Sa pag-awit muli ng himig pasko
nagliliyab sa paghahangad
makapiling kayo sa gabi ng pasko
sa alaala magkasama tayo

Narito na ang pasko
at nangungulilang puso ko
Hanap hanap
Pinapangarap
init ng pagsasalong tigib sa tuwa
ng mag-anak na nagdiwang
sa sabsaban nung unang pasko...

Never fails to give me that melancholic christmasy feel
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 0 comments