Yes! the world revolves around me.
Tuesday, November 13, 2007,9:22 PM
Ang Package, Bow!

I got another package from a cenobitic monk friend from new mexico. I went to the post office and waited for a couple of minutes, may lunch break pala ang government offices. I had a funny conversation with the customs officer checking the package, unang nakita, kandila, sabi nya "kandila?" at the back of my mind sabi ko "di ho, computer po yan", obvious ba? tas next na nahalungkat yung benedictine medals, nilapag sa mesa, tas, next yung wood carving na monk, sinipat ang istatwa, sabay bitaw ng linyang "ang pangit pala ni st. benedict no? Pari kyo?" bwahahaha! sabi ko "di ho, padala lang sa akin yan ng kaibigan kong monk" Sabi nya "di ba si st benedict yung sa mga... " di nya natapos yung statement, sabi ko "sa exorcism", tas tanung nya "bakit sya?" aba't bigyan ba naman ako ng exam sa saintology? Sabi ko "ewan ko?" just to end the conversation. Sabi nya "andami din naming nachecheck dito, mga tarot cards, witchcraft, kung anu ano?" Sabi ko, "ah mga new age", "oo yun" sabi naman nya. Akala ata kulto ako at may natanggap akong kandila saka istatwa ng lalaking nakahood. Pinasa na ang package dun sa kahera. Coincidence din na sa tabi ko, may nag cla claim din na package for Fr. Geny Diwa (a famous catholic liturgist here in the Philippines), di ko naiwasang silipin ang package... hehe, ang laman ng package, ground coffee beans saka some meds... tsismoso eh no... nakaka curious kasi e. I paid 35 bucks for the deposit fee then umalis na ako with my goodies. Check the picture on the left side, Dom my friend! maraming salamat sa padala, bawi ako sayo next time.

Kahapon nagpunta kami sa Manila Doctors, nagsuspetsa kasi nanay ko na nakagat daw ng aso yung pamangkin ko, so we had him injected with anti rabies vaccine. Ok naman yung bata, pero nung tiningnan ko, parang mababaw lang naman yung sugat, still, just to be sure, kawawa naman kasi yung bata, malikot kasi.

Dito na muna tayo, I'll try to blog more often.
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 3 comments

jefffy!!!*muah muah muah* aba eh miss na kita, maykel babol..at ang kantahan! kumusta na group mo? still singing?

ah si kuya dom, mabait talaga yan! panay nga padala din sa aki ng kung ano ano! minsan fresh fruits pa, minsan bagong luto na ulam, mainit-inti pa he he he (kuyaaaaa jokingly yours lang ha)

pero seryus, such a sweet friend!

uwi na ko jeff, pasyal tayo nila joanne, imagine-in mo, may sabit na joanne junior na pag nag karaoke tayo mwahihihihihi!!

ingat jeprocks!

PS. sya ba yung bata na ayaw kumain kanina tapos ng magluto ka eh nagutom at kumain?

~

mismo 'te! sige kelan ka uwi? kelangan ko din mag unwind, sobrang stressful, akyat tayo baguio or somewhere else.

Mukhang me gig kami this december, wedding ulit. hehe

~

kuya dom

uyyyy---- parang pinagdudahan ka pa atang nag wi witch craft bwahahahahhaah...

naku- buti pa kau at maglalagalag ni thess wwwwahhhhhhh sana makasama ako ( sana na nga lang madali lang makauwi ang isang tulad ko heheheehh )...

may award ka sa akin jeff, tsek mo na lang dito... bless you kapatid!

~
Post a Comment