“Ang Pasko ay sumapit, tayo ay mangagsi-awit ng magagandang himig… Dahil sa ang Diyos ay Pag-ibig”.
Ilang araw na lamang at di mo na mapapansin, Pasko na. Sa likod ng mga kutitap ng parol at naggagandahang belen, di nga ba’t ang paskong pinoy ay ang isa sa pinakamakulay at masayang pagdiriwang sa buong mundo.
Mailalarawan sa ating tradisyon kung ano nga ba ang sumasaloob sa ating kultura at tila ito’y nakapagpapatibay ng ating pananampalataya. Mula sa mga parol na sampay sa ating mga bintana hanggang sa masayang pangangarolling ng mga mumunting bata.
Ikaw ba ay balisa na sa iyong paghahanap? O tila mailap ang katahimikang nais mo sa buhay? Di kaya’t ang hinahanap mong kapayapaan ay sya ring hanap ng tatlong paham nuong unang pasko? Ang bituin na nagsilbing gabay upang makita ng tatlong mago ang KAPAYAPAAN ay siya ring sinimbolo ng mga parol na makikita sa bawat tahanan ng pamilyang Pilipino. At sa pagkinang nito, hayaan mong ituro nito sa iyo kung saan matatagpuan ang Hari ng Kapayapaan sa buhay mo.
Ang hapag ay siyang pinakasagradong lugar sa tahanan ng isang Pilipino. Kung kaya naman tila kulang ang pagdiriwang kung wala ang salo salo sa panahong ito. Sa araw ng Noche Buena, sana’y maalala rin natin ang pagsasalo ng unang hapag sa sabsaban kung saan unang nasilayan ang Tinapay ng Buhay, ang katawan ni Kristong buhay.
Ika 16 ng Disyembre, ang unang gising na kinapapanabikan ng bawa’t Pilipino. Ang simbang gabi ay ang siyang nagbubuklod sa bawa’t pamilya at magkakaibigan habang inaabangan ang araw ng kapanganakan ni Hesus. Sana’y sa ating bawat pag-gising sa siyam na araw na ito, mapagnilayan din natin na ang Siyam na bukang liwayway ay alay rin para kay Maria, ang tanggulan ng sanggol na Hesus.
“Namamasko po Ninong, Mano po Ninang”, karaniwan ngang maririnig ang mga katagang ito mula sa ating mga inaaanak, bakit nga ba hindi? ang pasko nama’y para sa mga bata. Sa pagbigay natin ng Aginaldo, inaalala natin ang tatlong haring naghandog ng ginto, mira at kamanyang, na siyang sumisimbolo at nagtatakda ng pagkahari, pagkapari at ang pagiging manunubos ni Hesus. Sa pag-abot natin ng ating mga munting regalo, maalaala din sana natin ang pinakamahalagang alay ng Ama, ang bugtong nyang anak na si Hesus.
Nakarinig ka na ba ng mga nag-aawitang anghel? Ilang araw pa, nandiyan na sila, sabay sa saliw ng kanilang awit, tambol na gawa sa lata ng gatas at pinitpit na tansan na pinagbuklod sa alambre. Sila ang pagpapaalaala ng mga angheles nuong magpakita sa mga pastol upang ipahayag ang pagsilang kay Hesus, ang Kapayapaan ng mundo .
Ang ating bayan ay hitik sa kulturang yumayakap sa ating pananampalataya, nawa’y sa kaganapan nito, maging makahulugan ang pasko ng bawat Pilipino. Sa Ilang araw na lamang na nalalabi, ating sarili ay ihanda, bukas makalawa, Siya ay parating na!
Gracious is the Lord, and just.
Our God is mercy, rest to the weary.
Return my soul to the Lord our God who bids tears away.
I love the Lord.
How can I repay the Lord for all the goodness He has shown me?
I will raise the cup of salvation and call on His name.
I love the Lord.
I shall live my vows to You before Your people,
I am Your servant.
I will offer You my sacrifice of praise and of pray'r.
I love the Lord.