~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kanina may nakita ako... isang mamang marusing...
may bahid ng alabok ang mukha, kaliwa't kanan, tingala...
Kanina ang mama, naglakad...
Nakasalubong, tila tinatanong...
Ang kinis ng iyong mukha... ba't marusing na nga,
Ang iba'y pumula... Sing itim daw ng budhi.
Tahimik ang mama, di umimik, alam sa loobin kung bakit nang gigitata...
Itong abo? sadya ko 'to...
kaninang nanalangin, tinatanaw ang Poon...
Sinusubukang abutin, kahit malayo...
Di man mapalapit... ngunit may pangako...
Diyos! Diyos! Narito ako!!!
Alabok sa alabok... ipaalala mo...
Kutyain man... di mahihiya...
kasanib ako, sa mga mahal mo.
Sing itim man nitong abo kaloobang kaloob mo...
buhusan ng Dugo... lilinis na ako...
Natutununan ko... sa lahat ng ito?
lamang magmahal ang mas umuunawa.
Ngayun dumilat... silayan mo...
siya ang mamang marusing...
na siyang tukoy ko...
Boy Rusing
nice bro.. ganda ng gawa mo.. di ko inakalang original mo.. hwekhekhek..
Posted by Anonymous | 7:05 PM
~