Yes! the world revolves around me.
Tuesday, January 25, 2005,7:45 PM
Balentayms?
While on my way to work... aba naman... walking along the street, biglang sumabog yung gulong ng jeep na nasa tabi ko, bigla tuloy nagising ang antok na antok kong ulirat... mukhang masamang pangitain ito...

at masama nga, pag sakay ko ng jeep... ang nakatabi ko?... mag jowang sobrang makapag "PDA"... eto ang score... bago bumaba yung babae, naka 5 kissing scene yata sila... HELLLLOOO!!!! malayo pa po ang balentayms..... Get a Rooommmm!! :D ops ops opss... wag nyo akong paratangang ingit... di po ako enget... nakakailang lang kasi, halos lahat pinagtitinginan sila... atsaka... bat kasi napatabi pa ako dun... pakiramdam ko tuloy kasama ako sa eksena... hwehehehehe....

As usual, kahit di naman masyadong matao kanina sa opis, pakiramdam ko, busy busyhan... ang hirap lang talaga kasi 2 na lang kami ni sir Mike... di na nga lang siguro kami makapagreklamo sa kabusyhan... sana dumating na yung kapalit ni abby...

Kahapon, may na receive akong postal registry... hmmm... napag-isip tuloy ako kung sino nagpadala nun... ang problema ko lang, kung kelan ko mapipick up yun... sana bukas ang post office ng sabado, kahit half day lang... excited na tuloy ako.

Ey guys! I need your feedback, pa check naman kung ayos sa browser nyo 'tong bago kong skin...

dito na muna... Ciao!
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 6 comments

aruuuuuuuu, kailangan mo na talaga ng GF!

hanap ka kaya ng ibang template, yung walang iframe muna. Gusto ko mangako na igawa ka, kaso baka mapako eh!!

(sabagay tagal ko na sinabi gagawan kita....maantay mo si darna?)

~

heheh... oo naman ate... mag iintay si ding kay darna... they, oo ba... basta mabait ha ;)

~

ihanap mo they ng may buntot :lolz:

~

pakisabi kay ding, sya muna lumunok ng batwo , bwisi si darna...he he

theyie, may buntot at black spot sa isang mata para cute :D

~

LOLZ! Hi JQ! ^_^ *glomps* Natamaan naman ako sa PDA na yan. :P Hehehe.

~

Wahahaha, ok lang yan manang she, basta wag sa loob ng jeep ang pag p "pda"

~
Post a Comment