Ilang araw na lang pasko na, pero bakit kaya parang lahat ng makausap ko, parang di pa rin nila nararamdaman na pasko na... kumpleto... the works! Christmas parties, parol, exchange gift... carols... sabagay, kung tutuusin nga naman... di naman talaga yun ang pasko...
Sabi ko nga sa boss ko, pag nagsimula na ang simbang gabi, dun ko mararamdaman, na malapit na talagang magpasko. Nagpadala na ng Kutchinta sila Mrs. Virata... the infamous kutchinta na pinadadala nila tuwing pasko... (di ko mapigilang mapatawa tuwing pinaguusapan tong kutchintang to). May good news akong nalaman today, yung kinuwento ko dating canteen sa may Don Bosco, open na pala pag sabado, saka hanggang 9 na sila ng gabi, mayaya nga ang tropa sa sabado...
Kanina, nag ikot ikot kami ng boss ko, para maghanap ng boxes and basket para sa mga give aways na ipapamigay namin para sa mga clients... mukhang sa Quiapo ang bagsak namin bukas, ang mahal pag sa department store ka bibili... Makahanap na nga din ng banig bukas para sa kwarto ko.
Dito na muna! wala masyado maisip masulat.