Yes! the world revolves around me.
Friday, October 15, 2004,7:55 PM
Mga Piling Eksena
Finally! nakunan ko na yung kinukwento kong dalawang matanda, lagi kasing nagmamadali ako pag pasok ng opis kaya walang chance para makunan ko sila... pasimple pa nga ako nung nakasalubong ko sila... please refer to the previous entry... diba ang sweet?

For keeps

Pauwi na ako from office, pagod dahil payroll day today, kaya maraming transactions... sa loob ng jeep, biglang nawala ang pagod ko dahil sa eksenang aking nasaksihan... roll camera...may mag nanay kasi...

Mommy : Mama, bayad ho... dalawa! bayad ang bata...!

Kid: Mommy... yokoooo....

Di ko mapigilang mapatawa... kasi akala ng bata, siya yung pambabayad ng nanay nya para sa pamasahe nila... kaya kuntodo explain si nanay sa anak nyang na trauma sa sinabi nya sa mamang tsuper.

Iba talaga tong araw na to..

 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 1 comments

I agree, the couple is worth seeing...kakainggit nga.

O mag asawa ka na kasi jeff ^_^

~
Post a Comment