Yes! the world revolves around me.
Friday, October 29, 2004,9:21 PM
It's about time
Bumili ako kanina ng sun cellular na sim card! at ang daming tao, kanina nga mistulang seminar yung counter ng customer service dahil sa pag eexplain ng ale kung pano nag wowork yung unlimited call and text na inooffer nila... kakatawa... mistulang presscon...

Napareminsce tuloy ako, dati kasi libre nag text, magsawa ka sa kakatext kesehodang magdugo ang mga daliri mo... hala... tapos biglang naging 300 na lang ang free tapos yung succeeding, may bayad na... aba aba... maya maya, lahat na ng text me bayad na! mistulang sampal itong promo ng sun sa mga kakumpitensyang cellline provider, pero sana gumaya sila... nuff said... in a year or two... ill be simplifying my life... hehehe... might give up carrying a mobile fone...

Kakatawa yung taxi na nasakyan ko kanina... ang name... drum roll!!! "Be my Ludy" bwahahahaha, para tuloy gusto ko kumanta... BBEEE MYYY LLUdddyyyy... just porget the pas and let me mend ur brokennn haarrrtttt!

sus marya, flag down ng taxi 30 pesos na... may magagawa? mag lakad... yun nga lang... asahang magkapaltos paltos ang inyong mga mala porselanang mga paa.

Lapit na mag halloweenn... uso na naman ang multo, psychic, at ang mga halloween personalities tulad ni pareng jaime, frank at tony.

Dito na muna! cell no. ko sa sun? text nyo ko kung sun din kayo... baka ibigay ko sa inyo... hehehe
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 0 comments