Yes! the world revolves around me.
Sunday, January 02, 2005,6:16 PM
Christmas Recap
Finally, nakuha ko na din ang bluetooth ko, sabi ko kasi, di muna ako magpopost pag walang picture :D. Busy, busy, busy ako nung pasko... pagkakuha ko ng bonus ko, paid some of my bills at bumili ako ng pasadyang sofa bed at linolium for my room... funny sa sobrang laki nung sofa bed pag nakalatag, di ka na pwedeng maglakad lakad sa kwarto... sakop na ng kama yung buong kwarto... Natawa pa ako nung nag text yung sis ko to inform me na dumating na yung kama, sabi sa text, "Anya, nasukat mo daw ba yung kama? ang laki... di yata magkakasya sa room mo" Reply ako, "Kasya yan, sinukat na namin ni mommy", Nag text back, "Sabi ni mommy, yung buong kwarto yata ang nasukat mo!" Nag dagdag bawas kami ng mga gamit sa kwarto ko and Lo! and Behold! nagkasya naman sa awa ng Diyos... :D


Room makeover

Mid December din, I was invited for a panel interview sa head office, tungkol sa Customer Service, went well, binigyan kami ng certificate saka token gift na book ni John Maxwell. Witty ang mga tanong at sagot ng participants.


SBC Panel Interview, Mel and Jay? asan kayo?

At siyempre, ang simbang gabi... na love-hate ko... love dahil pag simula na ng simbang gabi, dun na yung trigger sa akin ng pasko... sumasaya ako... hate? 4:00 in the morning? need I say more? eto ang time sa aking "singing career" na hirap na hirap ako! kung pede lang lumabas ang buong laman loob ko habang kumakanta... , pero iba pa din yung thrill pag secretly tinitingnan mo kung sino sa mga kasama mo ang meron pang morning glory sa mata (nyuknyuk nyuk) syempre sa lahat ng sacrifices mo, di mo na iindain yun, pag naalala mo yung baby sa sabsaban? shut-up na lang ako :D


Simbang Gabi

And last but not the least, ang walang katapusang kainan at Christmas parties, halos magkasunod ang Christmas party ng area namin saka yung sa branch, yung sa area namin, sa World Trade Center, sa Makati Skyline, saya din... tapos yung sa branch naman, kumain lang kami sa Red crab, sa Greenbelt... after eating a lot of crabs, pakiramdam ko umiikot ang paligid... Dyuskupu! Da king, di pa ako ready... wag mo ako isasama!


Pasko ng Bangkero

Then...
Tapos na ang pasko... bagong taon, its' been a year now na nag blog ako... Nung new year, bisperas, di ko maiwasan maiyak...tapos na din... masaya, malungkot...
In the end... wala akong masabi sa Kanya...kundi.. Salamat po... Samahan mo ako ulit... bagong taon na naman po.
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 0 comments