Yes! the world revolves around me.
Sunday, January 16, 2005,6:20 PM
Bad Saturday... at Great Wedding ni Marge
Yesteday was really a bad day for me... lahat palpak... may OT kami dapat for the documentary clean up kaso di din tuloy, di daw nakahingi ng approval from head office so wala kaming access sa database, and I was informed when I was almost at the office, well, sabi ko, ok lang, might as well mag ikot ikot na lang since nasa makati na rin ako. Dumaan muna ako sa isang ukay ukay, I was trying to look for a funky shirt... kahit may meningococcemia scare :D mamatay din naman tayo lahat...

Tapos pumunta ako sa waltermart... sabi ko, sige, ill just buy some stuff na dapat nabili ko last time. Nagpunta ako sa Watsons, at pumili na ng aking mga bibilhin, pag dating sa counter... I gave my credit card to pay for my items... aba! sabi ba naman ng cashier... kung pwede daw, cash... kasi first sale ako... Gusto ko siyang sigawan at sabihing "Anong bullsh*t superstition yan!? alam ba to ng boss nyo? alam ba ng may-ari ito?" Sabi nya, yun daw ang instruction ng manager nila... Well good for them, Swerte sila, nalugi lang naman sila ng 600 kasi di ko na lang binili yung stuff... balikan ko na lang daw, pag may unang bumili ng cash, saka ko daw pwedeng balikan... kayo na ang humusga kung anong merong service sila... sabagay ano ba naman ako sa milyong milyong sales ng sm... Ang masasabi ko lang... SANA MALUNOD KAYO SA PERA NYO!!! pinaglalaban ko lang naman ang rights ko bilang consumer... di ko naman ninanakaw yung pinamili ko... di ako galit sa cashier... galit ako sa may pasimuno nung kung anong kalokohang pamahin nila!

Kudos (Not!) to Watsons


Tapos late in the evening, biglang nag off yung monitor ko... ano ba naman tong araw na ito... palpak talaga... Sinet ko na na dalhin na lang sa monday yung monitor... para ipaayos... pero buti naman gumana this morning... whew...

Fiesta ng Santo Niño today... ang daming nagpapabinyag kanina... Inimbita din ako ni Trish na mamyesta sa kanila, taon taon na lang daw lagi ako may excuse para di pumunta sa piyesta.... Di ako makakapunta, kasi may kinantahan kaming wedding ng friend, sa Christ the King sa may Greenmeadows... Well, Marge really looks great sa gown nya... kamustahan din with old friends... mga kasama namin dati sa singles... Best Wishes kay Marge...

I guess that's it for today... at sa Watsons... Wala lang.... SANA MALUNOD KAYO SA PERA NYO!!! Bwahahahaha!!!!


Wedding Scenes
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 4 comments

susme, ang puso mo! at wrinkles...cge ka, mahal pa botox :p


cge, boycott ko na yan kahit dyan lang makakabili ng supplement ng tatay ko (pag tulog ka, tsaka ako mag uutos na dun mamili, he he)

kelan kaya maipo post ang wedding pictures MO? hmmmmmm

~

Nyahaha 'te... i guess ibang case jan sa inyo... iba lang talga ang mga tao dito... sm yata ang may-ari ng watsons dito... nakakadami na sila sa akin, pangatlong incident na kasi to... yung una, bumili ako ng gift para sa isang friend, iba yung price na nasa rack saka yung sa counter, tas sabi nag iba na daw pricee, sabi ko, edi dapat palitan nyo din ang price, sabi nila baka last item na daw yun, pero sa loob loob ko, e punong puno yung shelf na pinagkunan ko nyan e... pero yung isang girl, chineck, pag balik, last na daw yun, gusto kong sabihin, "Miss halika nga dito, sabihin mo nga kung imagination ko lang 'to.. sabay turo sa shelf na puno nung item na binibili ko" Pangalawang incidente...

may binili na naman akong item, using...ehem, my credit card... bakit ba? gusto kong mag earn ng points e... tapos sabi ng cashier sa counter... kulang daw ang digits sa card ko... di daw kasya sa counter machine nya... bwahahaha... oo nga miss... baka tinago ko yung ibang number... ayon, tinuruan ko pa gumamit ng credit card validator, sabi ko miss.. try mo kaya lagyan ng zero sa harapan... at ayun, na punch din... ayoko na mag kwento, baka sabihin nyo bitter ako... nyuk nyuk nyukk...

~

hahahaha!! ganito na lang...

IKAW na lang ipaba BAN dapat sa Watsons, hahaha!

hayyy, miss na kita kakwentuhan...pero teka, bakit nde mo sinagot tanong ko about your wedding pictures...kelan kaya ako makakakita?

~

Lolo!! ang puso!! nyahaha!!!

mahilig pala sa pamahiin yung manager ng watson's. hehe!! if that happens to me too, baka ganyan din ang ginawa ko.. buti na lang ako kong credit card!! :p

~
Post a Comment