Yes! the world revolves around me.
Tuesday, August 31, 2004,7:40 PM
Getting to know you... getting to know all about youuu...
Nakakatuwa kasi tong question and portion ni kuriks kaya nanghiram lang ako... kilalanin si Jepoy :D

WHAT IS THE MEANING OF YOUR NAME?
It's derived from the word 'Godfrey', an old French word meaning "Gods Peace"

WHAT'S THE STORY BEHIND YOUR NAME?
Wala naman... naisipan lang ng nanay at tatay ko... gusto sana ni itay 'Junior' buti na lang inawat ni inay!... kung nagkataon... inay ku pu!

WHAT DO YOU LiKE DOiNG WHEN YOU`RE DEPRESSED?
I Paint... or draw...

WHAT MAKES YOU NERVOUS?
Calamity... yung tipong earthquake... nung naholdap ako... nervous din ako nun.. i think... hmm... sino ba naman ang hindi!

WHAT MAKES YOU CRY?
Sunsets... nice songs... at nice movies...

WHAT'S THE ONE THING THAT IS LACKING IN YOUR LIFE?
A muse :D

WHAT'S YOUR MIDNIGHT SNACK?
Kape lang e...

WHAT DO YOU THINK OF HOMOSEXUAL MARRIAGES?
pede metrosexual na lang... ang saya siguro ng entourage... parang rumarampa sa fashion show... bwahahahaha!

WHAT DO YOU THINK OF ABORTION?
Ask my bestpren arlene...

WHAT'S ONE THING YOU LOVE ABOUT YOUR COUNTRY?
Ang mga alagad ng sining

DESCRIBE YOUR MOM
Kwela!

NUMBER OF OVERNIGHTS YOU'VE GONE TO?
Madami na e... lagpas sa daliri sa kamay... since birth ba to?

MOST MEANINGFUL THING SAID TO YOU?
Ok lang yan! (after killing a man) :D bwahahahaha

LONGEST CAR/BUS RIDE YOU'VE TAKEN?
8 hours?

BIBLE QUOTE YOU'LL NEVER FORGET?
"and He will hold you in the palm of His Hands..."

BEST GIFT YOU HAVE EVER RECEIVED?
A surprise party

SHOW THAT MAKES YOU LAUGH?
Bubble Gang! ? Whose line is it anyway... Absolutely Fabulous!

NICEST THING YOU HAVE EVER DONE?
Serve

LOOK AROUND. WHAT CAUGHT YOUR EYE?
Industrial Fan

YOUR WISH WHEN YOU LAST BLEW A BIRTHDAY CANDLE?
Wala... kontento na ako nung araw na yun.

CLOSE YOUR EYES FOR A FEW SECONDS. WHAT DID YOU SEE?
a cottage house

DO YOU LIKE BUYING BRANDED CLOTHES?
Not really... pero teka lahat naman me brand ha?

DO YOU KNOW YOUR BESTFRIEND'S FRIENDSTER PASSWORD?
nope

DO YOU FOLLOW FASHION TRENDS?
Minsan

HAVE YOU EVER RUN AWAY?
Di pa... pero considered

HAVE YOU EVER LITERALLY BEEN A SHOULDER TO CRY ON?
Di yata... kasi, sinesermonan ko pag iniiyakan ako e... :D

HAVE YOU EVER INTENTIONALLY IGNORED SOMEONE?
oo, maraming maraming beses

HAVE YOU EVER WENT ON A ROMANTIC DATE?
Uhmm.. oo naman

HAVE YOU EVER RECEIVED A LOVE LETTER?
Oo ulit... *kilig*

WHEN WAS THE FIRST TIME?
First time ano? mangulangot?

HAVE YOU EVER WRITTEN A LOVE LETTER?
kinikilig ako ha!

WHEN WAS THE FIRST TIME?
Ano ba kasi perstym to e?

DO YOU THINK YOU'LL EVER GET CANCER?
Alzeimers siguro...

IF YOU DO GET CANCER AND HAVE ABOUT A MONTH TO LIVE, WHAT WOULD YOU DO?
Paint like crazy!

IF YOU COULD SPEND A WEEK ANYWHERE, WHERE WOULD YOU GO?
Sa Bali

IF YOU WROTE A BOOK, WHAT WOULD IT BE ABOUT?
Quantum Physics for Dummies...? err... The Jeff Bible

WHAT DO YOU THINK OF YOUR PAST?
Adventure

WHERE DO YOU USUALLY GO SHOPPING?
Bazaar... mall

HOW DID YOU SPEND YESTERDAY?
Sagad sagaran!

HOW MANY OF YOUR CLOSE RELATIVES ARE LIVING ABROAD?
madami e...

WHERE?
States

DID YOU HAVE SCHOOL TODAY?
Diyos mio! Graduate na po ako!

HOW WAS IT?
Memorable

Music of the Moment: If I ain't Got you... Alicia Keys

Currently feeling?
Exhausted!
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Saturday, August 28, 2004,8:30 AM
Creativity in progress
I've been doing some drawings na lately, at least naumpisahan ko na portfolio ko, di ako makatulog last night, kaya nagdrawing na lang ako... just thought that interesting din na makita nyo yung art in progress ko...

Creativity in progress

did a draft sketch first out of my imagination... minsan nga, wala akong disiplina sa composition, patong dito, patong dun... pero sa color na lang ako bumabawi... mahilig talaga ako sa colors... kaya na frufrustrate ako pag kulang yung mga colors na gamit ko.. (burara kasi ako sa art materials ko kaya madalas may nawawalang mga colors...)...

Yung mga ideas ko naman, pag may nakita akong maganda... trinatranslate ko agad... based on my interpretation... di talaga ako mahilig kumopya sa pictures... na "claclaustophobia" ako sa limitations...

and finally...

the finish product...

Pinis product

Late na kami nakauwi kagabi, nag rehearse sa St. Peter... tapos kumain sa KFC, late talaga, around 12 na yata ako nakauwi...

Si Arl, nagpasundo sa house nila Erika, tapos around 1 na raw siya nasundo...

nag text ba naman kaninang umaga...

*ti tit .. titiit...* Message :"Alam m b kahapn mga 1am na me nasundo ni mon2. kala nya sa inyo ako nagpasundo, tapos may napancin daw cya na white na palapit na palapit! Wah! katakot... umatras siya bigla sa takot"

Manakot daw ba... mukhang may mumu yata sa amin... but anyways... as long as "the mumu" doesn't pay the rent... wala siyang karapatan paalisin kami sa takot... takutan na lang kami! :D

Dito na muna!

Later!
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 3 comments
Tuesday, August 24, 2004,8:49 PM
Grateful
Maaga akong dumating sa office, have lots of things to do. Kaso offline kami up until 10:30, kaya andami ding delay... may bigay na chocolates sa akin si abby, galing daw kay eric, matagal ko na kasing kinakantiyawan na kailangan may pasalubong siyang chocolates sa akin... yung kay jinky naman, bukas na lang daw nya ibibigay... umuwi kasi ate nya galing states, e nirefer ko siya kay lino para makanood ng show sa abs... mukhang nagenjoy naman, nagtext e... may catching catching up to do daw siya with Viva hotbabes... ewan!

Maaga namang natapos ang mga transactions dahil di masyadong matao... pumunta ako sa smart to settle my fone bills, tapos ikot ikot sa national... papuntang smart, nakasalubong ko sa elevator si jen and si dave, what a coincidence... kung di bumaba sa basement yung elevator, di sana kami nagkita... pag sakay ko kasi sa elevator, sabi ko 2nd floor... e kaso, bumabasa sa basement yung elevator... kaya ayun... manonood daw sila ng sine, niyayaya akong kumain kaso sabi ko, madami akong aasikasuhin... next time na lang...

Going to national bookstore naman, si junnie naman ang nakasalubong ko... dami kong kakilalang nakasalubong today... must be a sign or something...

Nakabili ako ng sketch pad, some colored pencils... and unfortunately... napabili ako ng book... pero discounted naman... yun na lang ako konswelo...

This has been a nice (or at least kind) day to me... Thank you thank you...
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Monday, August 23, 2004,10:15 PM
Limited colors

little princess

Sa sobrang gulo ng utak ko, nag drawing na lang ako... out of my limited resources... kulang kulang na kasi yung colored pencils ko kaya medyo bitin ako sa colors...


 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
,5:11 PM
Dream blog
Just finished fixing my dream blog, though dipa tapos na tapos, di ko kasi ma upload yung gusto kong music sa iweb.

I haven't started organizing my portfolio, mukhang kailangan ko ng umpisahan... baka mag cram na naman ako pag nagkataon.

Up until this time, sabog pa rin ang utak ko... parang napakagulo ng mga bagay... sa work, sa personal life ko, and even my spiritual life... parang ayaw ko nang kumilos, ayaw ko ng mag-isip.

Siguro nagmamanifest na din to sa dreams ko... kasi padalas ng padalas ang mga panaginip ko, at pag gising ko... parang pagod na pagod ako... mga internal struggles at frustrations siguro... dinadaan na lang sa panaginip.

Parang ang nangyayari tuloy, nagkakabaligtad... yung sanang gising ako... sana nananaginip lang ako , at sana yung panaginip ko... yun ang totoo...
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
Thursday, August 19, 2004,9:31 PM
Ang kulit kulit...
Two days na akong puyat... just to finish our souvenir program... parusa talaga... kaya sa opis kanina, pagsarado ng branch, tulala na lang ako, sabi ko, uwi ako ng maaga dahil antok na antok ako, kaso na delay, kasi yung isang kasama namin sa opis, nagpaintay, may tatapusin daw, so while waiting, naidlip muna ako... Two days ding nag overnight si arlene, at ang sabi niya... humihilik daw ako... ayokong maniwala... kasi di ko naman narinig :D *pilosopo*
Am still giddy about the project na ibibigay ng mama ni Lucci... still crossing my fingers... nagkita kami nung tuesday sa may Jolibee Paco, to discuss some stuff... tapos dumating na din si Jo, siguro nalaman magkikita kami ni Lucci :D (peace schat!) .
Pakiramdam ko... lately, parang nasa loob ako ng isang emotional whirlwind... paikot ikot... minsan pakiramdam ko... nakukulitan na ako sa sarili ko... sa kakaisip ng kung anu-anong bagay... kailangan ko lang sigurong mag drawing ulit... ng madami... hanggang sa mapuno tong kwarto ko... ng mga magagandang bagay...
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤
Sunday, August 15, 2004,1:54 PM
Some some...
Nakita ko to sa blog ni Ate thess... kakatawa... kasi parang accurate...


What Famous Leader Are You?
personality tests by similarminds.com
Nothing much today... attended mass kanina... tapos biglang nagbrown-out... and the more naging mass inspiring yung mass... some realization... sacrifices cannot be delayed... either you do it or you dont... analogy lang... katulad kanina... catholics consider the mass as a continuing sacrifice of God to men... at dahil sa nangyaring brown-out kanina... di pwedeng tumigil ang pagmamahal ng Diyos sa atin... kahit sa dilim.

 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
Saturday, August 14, 2004,12:09 PM
Dear Jeff
Dear Jeff,
Kamusta ka na? ano na ang balita sa'yo... buti naman maayos ayos na ang problema mo... nabalitaan ko, yung isa mo raw classmate nung high school passed away... at ikinalungkot mo daw yun... ganun talaga jeff, minsan, may mga bagay na di mo maintindihan... pero ika nga nila, basta pag gutom... subo lang ng subo... wag ng mag-isip kung masarap o hindi... Wala naman pagbabago sa akin...eto ganun pa rin, tanggap lang ng tanggap kung anu man ang isulat sa akin, minsan malungkot, minsan naman ecstatic... pero lahat... nakikisimpatiya ako... yun naman ang papel (pun) ko sa buhay e... hehehehe...
Birthday pala nung ate suplada mo nung friday... ganda ng napili mong card... sigurado matatawa yun... at matutuwa! Aminin mo na... namimiss mo na din yun... kaya kung may pagkakataon ka... i pm mo...
Yung boss mo, nagmaternity leave, di pa din bumabalik, baka magtaka yun, kasi parang nagiba ka na sa kanya... Tapusin mo na kasi yung resume mo... parang awa mo na kung gusto mo na talagang lumipat!!! di yung ganyang salita ka lang!
Teka... may laman pa ba ang wallet mo? *taka* napaka burara kasi sa pera e... pano na yung mga kinukwento mo sa aking pangarap mong farm... bahay... at makapag abroad? mag isip ka nga!
O siya! parang sinesermunan na kita e... sulat ka lagi sa akin ha!
Love,
Diary
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
Wednesday, August 11, 2004,7:02 PM
as Char would say it...Happy, Happy, Joy, Joy!
Saw the new building of Ayala museum... nain love na naman ako... gusto ko na namang magtrabaho dun... it has long been my fascination... or should I call it frustration, na mag work sa isang museum... to be surrounded with beautiful things and at the same time...Nagtratrabaho din :D *sigh* Nag-iisip na naman tuloy ako mag pass ng resume dun...

Nothing much today... wala rin naman masyadong challenge, got home from work earlier than the usual... medyo busog pa ako to eat dinner dahil bago umuwi, nag Jamaican Patties muna ako...yum yum!

Got a good news from Lucci last tuesday, may inaayos daw na childrens story book na ipupublish ng Adarna yung mom nya... kinokonsider daw ako to be the illustrator... sana makuha ako.. *excited* but I guess I still need to send my portfolio para makita ng mom nya... am crossing my fingers...

Ah... one dream at a time...


 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 3 comments
Saturday, August 07, 2004,9:19 AM
"Him"
Kakabasa ko lang ng isang article sa isang magazine, natouch talaga ako sa story nito and I just wanna share it with you. Yung issue kasi nung magazine na yun is all about the Psalms... been intrigued with this book eversince nagstart ako maging cantor sa church... iba't ibang topic about the Psalms yung topic... Thanksgiving, hyms... at iba pa... so eto na yung istorya... tissue, tissue...

It's All about Him
Ron Mehl

I heard once about a dear, saintly old woman who was gradually losing her memory. Details began to blur. Once-familiar names began to elude her, and finally even well-loved faces slipped from her recognition.
Throughout her life, however, this woman had cherished and depended on the Word of God, committing to memory many verses from her worn King James Bible.
Her favorite verse had always been 2Timothy 1:12 : "For I know whom I believed, and am persuaded that He is able to keep that which I have committed unto Him against that day."
She was finally confined to bed in a nursing home, and her family knew she would never leave the bed alive. As they visited with her, she would still quote verses of Scripture on occasion especially 2 Tim 1:12. But with the passing of time, even parts of the well-loved verse began to slip away. " I know whom I believed," she would say. "He is able to keep...what I committed...to Him."
Her voice grew weaker. And the verse became even shorter. "What I have committed to Him."
As she was dying, her voice became so faint family members had to bend over to listen to the few whispered words on her lips. And at the end, there was only one word of her life verse left.
"Him."
She whispered it over and over again as she stood on the threshold of heaven. "Him...Him...Him."
It was all that was left. It was all that was needed. She couldn't recall the verse, but the word she remembered was by far the most important word in the Bible. she held onto the one word that is really the heart of the Word: "Him."
Real peace and rest is all about Him.
So there you go folks... something to think and thank about as you go to your Church service tomorrow... God Bless!
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 2 comments
Thursday, August 05, 2004,7:13 PM
*Bored*
Woke up early this morning... ha! 2 days na akong di late... magandang signos...had coffee and rushed to work... pagdating sa branch...ayos ng ayos konti...fixed my stuff. Wala naman masyadong kliyente... maybe tomorrow... rambulan na naman to.

Nainis lang ako kanina dun sa dalawa kong opismate... (secret na lang ang mga pangalan... baka mabasa :D), kasi yung isa may inuutos, tapos yung isa naman ayaw sundin, e dumaan lang sa akin yung instruction para i relay... naipit tuloy ako sa gitna... anyways... sila na lang ang magsabunutan... yokong tumanda dahil sa stress... *smile ulit*

Kanina, may inassist akong client... mukhang aatakihin sa puso... inoffer ko na lang ng water.. sumama daw ang pakiramdam... heartburn pala... buti na lang grace under pressure hehehe...

Been waiting for updates para sa souvenir program... but it seems na walang nagpaparamdam sa akin *taka* magwawala lang siguro ako talaga pag sinabing bukas na ang submission at ni isang itsura e wala pa akong nakikita...

went home early... post post sa ali...

What a boring day...
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
Monday, August 02, 2004,8:30 PM
Dumaan lang ang araw...
Monday na naman! ah katamad... pero pinilit ko pa rin ang sarili kong pumasok kahit tamad na tamad ako... I texted Arlene para sa feedback nung pictorial... mukhang wala sa mood. Tapos kaninang umaga, tumawag din sa cell ko si Jo, tunog problematic... kaso medyo busy kanina sa branch kaya I told her that I'll call her, buti naman maayos na siya nung nag chat kami kani kanina lang. Andaming tao kanina sa branch, na claustrophobic tuloy ako...
Si Neo, nagtext din sa akin... may tinantanong about financial management... naks... mukang malapit ng makahigop ng mainit na sabaw ha... hmmm... *kindat*
Tapos, kanina si Gammy, nang gogood time, may ginagawa siya sa tali para malaman daw kung "virgin" pa o hindi na, tawa kami ng tawa kasi di naman daw accurate sabi nila... (ehem... ewan lang natin kung in denial sila... pero triny sa may mga anak na... semplang! di accurate) pampatawa lang talaga... hehehe... baliw din kasi to si Gammy e.
Mukhang in na in ang mga pantaserye lately sa TV... ano ba 'to? parang nililihis tayo sa realidad... pero ok lang naman, hype lang siguro... sinimulan kasi ni Pareng Harry e... ayan nanggaya na naman tayo... Marina, Marinara, Mulawin... what will they think of next!?
Di pa rin ako nakakapili ng blogskin para sa dream journal ko... tsk tsk.. di pa rin kasi naayos ng web developer ko e... (naks sossy) hehehe... (parinig!)
August na ... ilang buwan na lang... makakarining na naman tayo ng mga christmas carols... hmmm... mukhang walang matitira sa bonus ko... pambayad sa mga kautangan... tsk tsk!
dito na muna...
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments