Yes! the world revolves around me.
Sunday, February 20, 2005,11:44 PM
Memory
~~~~~~~~~~~~~~~~
Memory
All alone in the moonlight
I can smile happy your days ( I can dream of the old days)
Life was beautiful then
I remember the time I knew what happiness was
Let the memory live again
~~~~~~~~~~~~~~~~

Alas! Naayos na ang pc ko, after having a great deal of stress dahil sa pc na ito...

unang technician... sira ang motherboard mo... after 30 minutes, tawag sa cell... processor ang may diprensya, di ang motherboard, ... pramis! gusto mo ng sempron?

pangalawang technician... check ko muna, sira ang processor... pero phase out na ang processor mo, wala ng makukuhang ganyan... either sempron ang kunin mo, na higer, o lower... after 2 days... ang motherboard mo pala ang may sira... mas mura yun...

Pangatlong technician, tawag sa phone, malamang sa power supply yan, 1 out of ten lang ang makakaisip na powersupply ang may diprensya, pero try mo din...

Sa sobrang gulo ng pangyayari, I decided to just bring my cpu to gilmore, at ang problema?.. Click! Ang Memory! nahihiya pa nga akong tanungin sa mamang technician kung ano yung piyesang sira, basta binunot nya from the motherboard, tas sabi, boss, eto ang sira, bilin mo na lang sa kabila... at ako namang si computer illiterate... lapit sa saleslady... "Miss, pabili nga neto (sa isip ko, ano ba to?)" Nahihiya man, tinanong ko na din sa tindera kung ano yun, RAM daw... kaya pag kakabit nung technician, gumana na... nakatipid ako... from 4k something, naging 1888 na lang, masayang inuwi ko ang pc...

Pagdating sa bahay... tadaaa!!! corrupt na ang windows...

Ano pa nga ba magagawa, reinstall...

aba... parusa talaga, mukhang pinarurusahan talaga ako, ayaw mag install ng windows, out of range daw... Anakngtipaklong !

Pero nilipat ko ang installer sa DVD rom... umandar!!!

hangang sa pag install ng tv tuner... aba! Balik sa dati...blackout na naman ang cpu.... waahhhhh!!!! sabi ko sa sarili ko... hindeeee!!! hindi na pwedeng ganito, binuksan ko ang likuran ng cpu, kalikot dito, kalikot dun...

And waddaya know...

ang galing ng pang limang technician... gumagana na... nagagamit na ng may-ari e :p



Ang pang limang technician
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 2 comments

sabi sayo eh.. hihihi!
magaling talaga yung technician don sa pc madness... pogi pa!! hihihi!!

~

baka naman may iba ng kinakareer si yayonix :p

~
Post a Comment