Yes! the world revolves around me.
Saturday, July 31, 2004,6:28 AM
Photographic memory
Sabado na ulit! sensya na sa mga sumusubaybay sa aking blog... medyo busy lately at wala namang masyadong pangyayaring kakuwento kuwento... last saturday, nagpictorial kami for the souvenir program sa St. Peter, dumaan muna sandali si Arlene dito sa house para magscan ng logo's ng mga sponsors, tapos biglang dumating si Char... nabobored na siguro, kaya nagbabahay bahay... hehehe kasama nya pa ang pamangkin nyang si Nigel... nakakatawa nga yung mag tiyahin, pinapagalitan nya si Nigel, "Nigel, andumi dumi mo na!" "Nigel! Blah blah blah!" pero not to the effect naman na Wicked stepmother hwehehehe! Sabi ko sa kanya, "Char, pabayaan mo na... bata yan! hayaan mong i enjoy nya yung dumi dumi! hahahah! kunsintidor eh!"


Me, Char and Nigel... mukha kaming Holy Family bwahahaha!


Funny how I remember things and events vividly, kasi nung nandito yung dala, may sinabi si Char, about yung gusto nyang ibentang mouse pad with vintage chinese posters... sabi ko parang nasabi mo na yan for the 3rd time... tapos I quoted her, kung nasaan kami, anong kotse yung sinakyan namin etc, etc... tapos si Arlene tawa ng tawa... kasi ulitmo yung dialogue namin nung sinabi nya for the 2nd time naalala ko pa... si Arl den, pag nagaargue kami about things in the past sabi ko... ay nako! di ako pwedeng magkamali... ganito yung nangyari... kaya tawa siya ng tawa when I told that to Charlene... Naalala ko yung mga events... yung actual scenes... pero pagdating sa names, numbers at iba pang pag mememorize..wag mo na akong asahan... ultimo bertdey di ko natatandaan... bertdey ko lang ata ang naaalala ko e... minsan nga pati age ko nakakalimutan ko when filling up forms... siguro yung memory ko... pang eksena lang.. hehehe..

Sa work... nothing significant... si Ma'am Rhoda, yung boss ko dati, nag tag chikka text sa akin, basahin ko raw blog ko, nagtag daw siya sa blog ko... it's a good thing na nagcocommunicate pa din kami kahit na nasa Canada na siya ngayun... I guess they're a lot better na ni Sir Eloy dun... nage-mail din sya sa amin sa branch... nangangamusta.. miss ko na tong ex-boss kong to.. tsk tsk!

Well, things are better now... balik eksena na naman siguro ako... tama nga ang sabi nila... matatapos din to..
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
Sunday, July 25, 2004,11:44 PM
Are You there...
Just wanna share this song to you... things are pretty turbulent lately...

 
Small Enough
Nichole Nordeman

Oh, GREAT GOD, BE SMALL ENOUGH TO HEAR ME NOW
THERE WERE TIMES WHEN I WAS CRYING
FROM THE DARK OF DANIEL'S DEN
AND I HAVE ASKED YOU ONCE OR TWICE
IF YOU WOULD PART THE SEA AGAIN
BUT TONIGHT I DO NOT NEED A FIERY PILLAR IN THE SKY
JUST WANNA KNOW YOU'RE GONNA HOLD ME IF I START TO CRY
OH, GREAT GOD, BE SMALL ENOUGH TO HEAR ME NOW
OH, GREAT GOD, BE CLOSE ENOUGH TO FEEL YOU NOW
THERE HAVE BEEN MOMENTS
WHEN I COULD NOT
FACE GOLIATH ON MY OWN
AND HOW COULD I FORGET WE'VE MARCHED AROUND
OUR SHARE OF JERICHOS
BUT I WILL NOT BE SETTING OUT A FLEECE FOR YOU TONIGHT
JUST WANNA KNOW THAT EVERYTHING WILL BE ALRIGHT
OH GREAT GOD, BE CLOSE ENOUGH TO FEEL YOU NOW

ALL PRAISE AND ALL HONOR BE
TO THE GOD OF ANCIENT MYSTERIES
WHOSE EVERY SIGN AND WONDER TURN THE PAGES OF OUR HISTORY
BUT TONIGHT MY HEART IS HEAVY
AND I CANNOT KEEP FROM WHISPERING THIS PRAYER"ARE YOU THERE?"
AND I KNOW YOU COULD LEAVE WRITING ON THE WALL
THATS JUST FOR ME
OR SEND WISDOM WHILE I'M SLEEPING,
LIKE IN SOLOMAN'S SWEET DREAMS
BUT I DON'T NEED THE STRENGTH OF SAMSON
OR A CHARIOT IN THE END
JUST WANT TO KNOW THAT YOU STILL KNOW HOW MANY HAIRS
ARE ON MY HEAD
OH GREAT GOD, BE SMALL ENOUGH TO HEAR ME NOW
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 2 comments
Saturday, July 24, 2004,10:18 AM
From one emotion to another...
Alas! ngayun lang ulit ako nakapagblog... cause it's saturday and I have all the time in the world for myself.  The week has been so-so, ang pinagkaabalahan ko lang, yung pictorial para sa St. Peter.  NAPAKAGULO! minsan yung ibang organization na kukunan, nangiindiyan! hmp!  nung isang araw nga winok outan ko, ang tutulet eh!  Sana makaabot kami sa deadline.



May mga balitang hindi maganda akong natangap this week, and looks like I will be having a hard time sa mga darating na araw... pero Ok lang... ika nga, "When the going gets rough!... I gotta be smooth.. *kindat* hehe".  Medyo kailangan lang sigurong mag focus sa mga priorities, pero masosolve din.

Last night kumain na naman kami nila Arlene and Erika sa Assad,  busog na busog ako... pero ansarap kasi e... kaya lang nga umuulan nun kaya ng paguwi namin puro putik yung mga paa namin...  Daming hassle nga lang nangyari before we ate, kasi iyung gagamiting battery for the pictorial di daw compatible sa digicam, sabi ko sa sarili ko, yoko ng magalit... nakakasira daw ng looks... sabi ni Ronnie... kaya nga nag simula na akong uminom ng stresstabs (plugging); In the end, natapos din naman yung pictorial kahit paisa isa.
 
Napunta ako sa blog ni Jo, bat kaya nagkaganun yun? *taka*  sana magparamdam sa akin (parang mumu... hehehe) Pero nakakalungkot... namiss ko yung pagka bubbly nun! tsk!
 
Lahat din nagkakagulo dahil may Angelo frenzy, yung OFW na nahostage sa Iraq... am having mixed emotions sa nangyari sa kanya... may nagsasabing duwag tayo kasi pinull-out yung humanitarian troops, yung iba naman, mas importanteng maisalba ang buhay ng isang tao.. iba ibang pananaw... worst scenario sa mga pangyayari? andaming politikong nakisawsaw sa issue... in the end, Mabuhay pa rin talaga ang Pilipino!
 

Dito na muna, babalitaan ko kaya kung may magandang maibabalita...
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Sunday, July 18, 2004,9:08 PM
Sa Simbahan at ang Big Buddha
Yesterday, we sang for Fr. Manny's installation as our parish priest... and it was presided by Bishop Rosales, finally, nakita ko rin siya in person...   Maganda yung kuwento nya during the homily... about a small ugly, dirty church... when the people visited the place, all they can notice is yung karumihan ng simbahan... then an old lady who was cleaning the church pews heard what the people were saying, she said... "Our church might be small, dirty and ugly... but our priest is HOLY" ... and that parish priest is St. John Vianney.  Maganda rin yung sinabi nyang we (our community) are only as holy as our parish priest, we're (as a flock) only as close to God as our parish priest... They need our support... magandang realization 'to for me.   Enthronement din ng image ni Our Lady of Caysasay sa simbahan namin, bale nagregalo yung parish ng Caysasay Batangas ng replica ng image nila sa amin as a gift for our 50th anniversay...  maraming devoteeng Chinese Filipino ang Birhen ng Caysasay, sayang nga lang di ko nakunan yung image... antigong antigo ang itsura...
 


Fr. Manny installed by Bishop Rosales as our Parish Priest
 
Nagpictorial kami kanina for the souvenir program with the FCCY, maganda naman yung kuha... mukhang we still have a long way to go... medyo cramming na rin...
 
Last thursday... kumain din kami ng mga officemates ko sa Big Buddha sa Greenbelt... daming chibog... tsaka ansarap... Eto picture...



di naman kaya kami magmukang Big Buddha sa kabusugan?
 
Am watching "Pinay Pie" right now sa Cinema One, may mga parts na nakakatawa, lalo na si Assunta... o talagang mababaw lang talagang kaligayahan ko. 
 
Am still working on my Dream Blog, still in the process of choosing a blogskin na magfifit dun sa concept... intay intay lang kayo.  Galing ng blogger... pede ng palitan font, color etc...hehehe...buti naman naisipan nilang gawin to...
 
Dito muna, Ngiti kayo lagi!
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 2 comments
Wednesday, July 14, 2004,8:40 PM
Random thoughts...
It's blogging time again... things are pretty ok lately... di na rin ako masyadong nahihilo... nag adjust na yata yung mata ko e... pero ok na.. I guess...

Inis na inis ako kaninang umaga... DISASTER! namantsahan yung mga bago kong damit! wala naman akong masisi, pero pikon na pikon talaga ako... and at the same time nanghihinayang din... haaayyy... ano pa nga bang magagawa ko? Naiinis pa rin ako pag naaalala ko yung itsura ng mga damit! Darnnn!!!

I already signed my promotions paper kanina... mixed emotions yung naramdaman ko... lagi na lang na pag gusto ko ng mag resign, laging may pangyayari na umaawat para mag stay ako... It all started (my present job) as an accident... pero mukhang may misyon yata Siya dito para sa akin... tsk tsk... kaya kayo... wag kayong hingi ng hingi... baka ibigay... masaya din ako kasi pag naaalala kong hinahanap ako ng clients to personally assist them... nakakataba ng puso... pero meron ding mga times na gusto mo silang sigawan sa pressures sa operations... well... hindi ko alam kung yung taning ko for my current job would be a movable feast...

May mga dilemas ako this weekend dahil sa aking busy sked... pero sana... perfect timing ang lahat...

namiss ko ng kumuha ng mga pictures... na ma popost dito sa blog...

Am working on a new blog... kinokonseptualize ko pa... its a dream journal where I would write my dreams from the previous night... dati ko na ginagawa to sa notebook diary, pero nahinto nung nagstart ako nag work sa SBC... dinadrawing ko pa nga minsan yung dream para mas vivid... at mas madali i analyze, may mga napili na akong skins and background music... abangan nyo na lang... kakatwa ang mga panaginip ko...though sabi nung iba Freudian daw... hwehehehehe...

Dito na muna... :D



 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 6 comments
Sunday, July 11, 2004,11:34 PM
Ano ka hilo?
I attended our service kanina... we had a mass in honor of the chinese martyr, pero sinumpong na naman ako ng pagkahilo... ni hindi ako makalakad ng straight line while going to the church... sabi ko sa sarili ko, bahala na. I studied my piece for the Responsorial Psalm at mabuti naman at medyo 1 sablay lang... kahit groggy ako... ni hindi na nga ako makaluhod sa mga parts na dapat lumuhod.

We were supposed to sing for a wedding kaninang two o' clock kaso di ko na talaga kinaya...may rehearsal din pala ng 7:30 PM para sa installation ni Fr. Manny, aagahan ko na lang siguro next week sa practice. As much as I want to... ewan ko ba, pero parang sumusuko yung katawan ko... ang hinala ko sa mata talaga e... need to have my eyes checked...

Natulog na lang ako, at eto medyo maayos na ng konti... nakakapagblog na ako e...
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
Friday, July 09, 2004,9:06 PM
Over Martyrs and Moca...
Friday na! Tapos na rin ang buong linggo... pero looks like busy pa ren ako hanggang etong weekend. Have to finish my assignments for the souvenir program for our parish, tapos kabikabila pa ang mga kanta sa simbahan. This sunday, we will be celebrating the mass in honour of the 120 Chinese Martyrs, kung may time kayo, try to visit us here sa St. Peter the Apostle Parish Church sa may Quirino Ave. Extension, bago mag PRC, ibang experience to, dahil makakarining kayo ng mass songs in chinese, even the Gospel, will be read in mandarin... kahit nagtataka ako minsan... wala namang nakakaintindi... or inaassume ko lang na walang nakakaintindi kasi hindi ko maintindihan...? labo? anyways... click the link below the pic if you wanna know more about these Chinese Martyrs...


Chinese Martyrs


Ok naman ang buong week ko, walang masyadong hassle... everything went smoothly... di ako naaburido. Kaya napabilis na rin siguro ang pag galing ko... and of course... nagpakaoverdose ako sa Vitamin C.

Had a bad news kanina, nagresign na pala si Moca, hanggang August na lang pala siya...feel bad, kasi nakasama ko rin sya ng matagal when I was assigned as an Executive assistant for Makati Area, I know she's going to read this... kasi sabi nya kanina when she called me up para magpaalam, na lagi nyang binabasa blog ko...kaya Moca if you are reading this... am so happy for you... and always remember na kahit na di na tayo magkakasama...we'll always be friends ok! thanks for the memories moca... let's keep in touch! and God Bless you...

 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
Monday, July 05, 2004,9:56 PM
Somethin' to Blog about
Matagal tagal na rin since nag blog ako... kakagaling ko lang kasi sa sakit at mabuti buti na ang pakiramdam ko... antagal ding inabot, halos dalawang linggo tong ubo't sipon ko. My day started just right, though medyo meron akong monday blues... andaming tao kanina sa branch at may mga times na di ko na talaga mapigilang magdabog... (pero discreetly naman :D yokong ma reklamo!, o kaya mag transform ang mukha na parang sa golum... parang commercial nung isang pain reliever). Accomplished din ako today dahil yung mga pending na dapat gagawin ko sa opis, natapos ko na rin, went home via different route... mas maaga pala akong makakauwi kung mag tataft at lrt ako, though parang ang layo, psychological.

Pag dating sa bahay... pahinga konti, nag log on, tapos chat kay ate suplada and jo, pero saglit lang rin, nagshower kasi ako, ang alinsangan ng panahon. Tapos replied to my e-mails... medyo rush na yung tinatapos naming souvenir program para sa 50th anniversary ng St. Peter...

Next week, mukhang magkakaroon ng major meeting para sa choir... hmmm... nagkakagulo na ata...

I've been nauseous lately, i dunno if its my eyeglasses or dahil sa colds ko... kailangan ko na atang magpacheck up.

Dito na muna.
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 4 comments