Yes! the world revolves around me.
Saturday, June 23, 2007,1:32 PM
O! smile... 1-2-click!
Ok! Updates updates! Last last saturday was Paula's birthday, and as I've mentioned, we sang a few songs during the party, ok naman daw, sabi ng friends ko... ewan ko lang kung anong opinion ng aking mga detractors.

The speech of Paula's mom was really moving... kumbaga, pang "chicken soup for the soul" sabi ko kay Arlene. We decided to go home at around 1 am na... I think kaming dalawa na lang nga ni Arlene ang sober that time... ang mga bagets, nag inuman, may sumuka... kami ni Arlene? been there, done that. ahahaha!

Here are some pictures na kuha during the party, sabi ni Paula. ba't daw yung mga kuha ko, project ako ng project, walang mukhang candid. Well... ganto talaga kaming mga celebrity, sa industryang ginagawalan namin... pictorials kaliwa't kanan... matututunan mo din yan hija. =D

Finally, nakabit na din yung mga braces ko, although hindi naman masakit yung ipin mismo, puro singaw naman ako dahil sa mga alambreng naka kabit. It took us I think mga 5 hours para makabit ni Dr. Jill lahat ng brackets... hopefully after 2 years... maalis na din 'to.

Ang hirap kasing kumain, sumasabit sa mga bakal, and syempre affected din ang speech. Gamit ko pa naman 'to sa trabaho ko, pero ok lang, tunog mayaman naman pag nag salita, hehehe. Sabi nga nung doktora, "You're crazy", paano ba naman, habang kinakabit nya yung mga bakal, picture ako ng picture... sa isip ko lang, doc, that's an understatement!

I also got my package from the post office galing kay Dom Lawrence, 5 DVD's, yung dalawa, gregorian chants na ang background, yung monastery nila Dom, isang winter scene and yung isa naman autumn.

The other dvd's, series ng "THE MONASTERY" reality game show na shinoot sa monastery nila. May 5 contestant na papasok sa monastery nila for 40 days and 40 nights. The show was really interesting, tinapos ko nga ng isang upuan lang.

And then, Last sunday after the fiesta mass sa St. Peter, dumiretso na kami ni Arl and rcie sa RCBC tower to watch Zsazsa Zaturnah, it was fun watching a pinoy comedy play, and ok ang effects although may mga parts na dragging, Naexpect ko na yun kasi binalaan na ako ni Byron na may mga ganung eksena nga daw. Si Didi (sidekick ni Zsazsa) lang ang nagdala ng show.

I've been keeping my hands busy lately doing knotted rosaries, got the idea from rosaryarmy.com, visit the site if you have time.

Mukhang dito na muna tayo, abangan ang mga susunod na posts!
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 4 comments

hahahah! crazy patient!

~

that hurts jeff. I used to have a "retainer" when I was a kid because my mom and dad felt I was not ready for the brace thing eh sayang lang daw yung magagastos kung di ko gagamitin ng tuloy tuloy. but it was really really painful. I have sores all over my mouth after wearing it for few weeks. Ieventually stopped. In the near future I'm planning to have one. double purpose-- to align my horse teeth and to render me on a diet. :)

I have watched the DVD but I havent posted it yet coz I have topics na nakaalign pa sa blog ko (alam mo naman boy scout, 2 weeks ahead of posts). but once I do, I will make a review of that game show.

Nakarelate ako kay Jon-- aside from being his namesake in real life, I am also a 6 footer , professionally in the allied medical field, and very cynic before, and the fact that I also drank beers in can with my buddy on the seminary court a few years back.

paborito ko si Brother Joseph Gabriel. Ang haba ng hair hahaha... ang taray hahaha.

more na lang on my post about it.

Pax et Bonum!

~

you are one crazy kid...
isa lang masasabi ko,

"MABUHAY SI K!"

bwahaha!

~

i am glad really na nag enjoy ka sa mga dvd na pinadala ko sau...
naku- di lalo ka nyan mangangayayat dahil hindi ka masyado maka kain-may isang pinoy monk dito sa amin -in late thirties- na nilagyan ng braces ng dentistang benefactor nya ( this pinoy monk studies in mount angel seminary taking 4 yr-philo)...and he is right now here taking his summer break--- ang reklamo nya ay di daw siya maka nguya ng mga matitigas na pagkain at saka hindi siya makasubo ng mga malalaking food dahil sumasabit daw bwhahahahahahah---at saka isa pa, di daw siya pwede kumain ng fuds na may sugar at nag ri react daw ang mga alambreng nipatong sa mga ipen nya--naku--- diyeatang diyeta talaga si hugo (name of the monk-unfortunately-wala siya kahit isa man na eksena sa movie dvd dahil nung ginawa yun ay nasa school siya at nasa kalagitnaan ng sch year dito sa USA....

~
Post a Comment