Alas! got a sunny friday morning today! Kanina sa loob ng fx na service na sinakyan ko, nakasabay ko na naman yung mamang panay ang singhot... habang sinasabayan ang saliw ng tugtugin na "the one you love" ni Glenn Fley... *taratat tat tan tan tan tan* para bagang gusto ko syang alukin ng "boss tissue? isinga mo yan, yun huling nakasabay pa kita nandyan na yan, iniipon nyo ba?" Well, maybe isa yun sa kanyang security blanket, pero napansin ko lang sa kanya, naiwan yata sya sa juvenile stage, ang cellphone, nokia ngage, ang bag, backpack na pang iskwela na may keychain na anime character, porjosporsanto, hindi dya mukhang high school... trust me.
Yung katapat ko naman sa sasakyan... Diyosmio! pag medyo on the chubby side, please naman iwasan naman ang body fit... buti na lang di longanisa ang breakfast ko... kundi malamang magkandalungad lungad ako sa nakikita ko... lalaki po itong naka body fit.
Haayyy... ang tao nga naman... malamang sila din nakatingin sa akin at kung may anung iniisip..malamang ang naglalaro sa kanilang mga isip ay , Syet sino yun, ampogi. bwahahaha (joke lang... pinapatawa ko lang po kayo).
Finally, I got to download this song... kay tagal ko ng hinanap ang kantang 'to, just want to share it with you. Check out the lyrics and the brief description.
We have addressed our Blessed Mother by several names, a few of which sound terribly foreign to us. But how often have we addressed her by her name Inay?
Through the years, Filipino composers in different local languages have written kundimans and folk songs speaking of our mothers as inay or nanay. The address itself evokes an intimacy that remains very native to us Filipinos. It evokes a certain comfort in poverty, a certain peace in times of calamity. It evokes an image of Inay
waiting for us to come home after a long day, in order to calm the quickening in our hearts so that in peace, she can lead us to her Son.
(Arnel Aquino, SJ)
Sa mahinahong paalam ng araw
Sa pag-ihip ng hanging kahapunan
Balabal ko'y init ng 'yong pag-ibig
Sa dapit-hapong kay lamig
Mga bituin kay agang magsigising
Umaandap, mapaglaro man din
Iyong ngiti hatid nila sa akin
Sa diwa ko't panalangin
Puso ko'y pahimlayin Inay
Upang yaring hamog
Ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping
Halik ng 'yong Anak
Ay! Irog kong inay
Sa palad niyo itago aking palad
Aking bakas sa inyong bakas ilapat
At iuwi sa tahanan kong dapat
Sa piling ng inyong Anak
Puso ko'y pahimlayin Inay
Upang yaring hamog
Ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping
Halik ng 'yong anak
Ay! Irog ko, O Ina kong mahal
Ay! Irog kong Inay
Lyrics from
HangadPainting by Roger San Miguel
i love the song.
it always makes me cry, i still remember when i was still inside the seminary, when we start to sing INAY, i will bow my head and tears from my eyes will begin to fall.....
haaaaaaaaaaayyyyyyyyyyy!!!!!!!
Posted by Anonymous | 8:15 AM
~