Galing ako kanina sa munisipyo ng makati for a court hearing, I was there to represent my company sa kaso ng isa naming client. To be honest, when I arrived there, sa courtroom mismo, I was really kinda scared, kala ko sa tv lang napapanood yung ganito, and here I am, ACTUALLY.
Medyo prepared din naman ako kahit papano and tried calling other officers from other branches how to go about it, it was funny kasi, may isang story pa na nasaway daw sya ng judge for not calling her "your honor", natawa yata ako dun, kaya paalala sa akin, laging gagamit ng "your honor".
Awa naman ng Diyos, di na kami pinatawag sa witness stand, anyway, the case is already dismissed at nawawala lang ang mga stenographic notes nila and we where there to authenticate lang the documents and datas that was submitted by both parties. Naknangtinola, Inglisan ng Inglisan at ang hahypaluting ng mga sentences... tsk tsk... bokya ako dito...
Pero ayos din pala manuod ng mga ganun, I appreciate the sense of dignity, formality, courtesy and grace of the institution all at the same time... yung batuhan ng "objection your honor!"... "overrule"... and whathaveyous!
May napulot pa nga akong linya na pwedeng ipanghirit kung away mong maniwala sa isang statement na kinukwento sayo... "All hearsay! your honor!".
It was really a meanigful experience, maisasama ko na naman sa aking memory box of been-there-done-that, and I realized that, there's nothing to be afraid of when you're there in the courtroom, after all kung di ka naman nakasuot ng kulay orange na may letter P sa likod, wala ka naman talagang dapat ikatakot... basta't mag sasabi ka lang ng "all truth and nothing but the truth so help me God".
Been two days na nag uulan, I just hope mas maaraw na bukas, 2 araw na akong nag durusa sa pag lalakad at paguwi... Ang masasabi ko lang sa PAGASA sa kanilang mga forecast...
"All Hearsay! your Honor!"