Yes! the world revolves around me.
Sunday, July 17, 2005,9:44 AM
Angkas!
Yesterday, nag ikot ikot ako sa baywalk hanggang ccp, syempre, break in ng bago kong bicycle. I woke up at around six in the morning tapos larga na, para walang masyadong sasakyan sa kalye at di masyadong mainit. Napadaan ako sa mga taong nag eexercise around the area, at marami sila ha, siguro yung mga nadaanan ko, mga 6 silang groups sa iba't ibang lugar.

Di lang aerobics ang gimik ng mga ito, pati belly dancing... kakaaliw nga silang tingnan, pati si lola, arya sa kembot! panalo! :))

Napadaan din ako sa jumbo restaurant na naka dock sa may likuran ng folk arts...


One fine day


After my biking pasyal, dumiretso na ako kanila charlene to pick up my dvd's tapos nag palitan na rin kami ng mga hiniram na books... naka dentist gown pa sya nung dumating ako, mukhang puyat, pero masaya pa rin kami kahit parehong bangag... siya sa duty nya, ako dahil gumising ng maaga.

Nakakatawa pa, kasi na mention nya na ikakasal na yung isa naming classmate nung high school na "ibang level ang pag kaartist"... tawa kami ng tawa kasi I asked her kung theme wedding ba? sabi ba naman ni char, "di naman, normal wedding... pero baka may reserved side para sa mga goth attendees". *poink*

Dito na muna... next week try ko pumunta sa aroceros park... tingnan natin kung ano naman ang eksena dun... may mga artists daw na nagbibigay ng lessons dun for free basta pumunta ka lang...
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 8 comments

Jepoy thanks for visiting!!! sayang di ka nakita ni mama! How do you stay so thin with all your eating! Sarap ng ensaymada... minsan naman sama tayo pag kakain sa amici. saraaaappppp ng san pietro wine nila. Yum!

~

Jepoy thanks for visiting!!! sayang di ka nakita ni mama! How do you stay so thin with all your eating! Sarap ng ensaymada... minsan naman sama tayo pag kakain sa amici. saraaaappppp ng san pietro wine nila. Yum!

~

Jepoy thanks for visiting!!! sayang di ka nakita ni mama! How do you stay so thin with all your eating! Sarap ng ensaymada... minsan naman sama tayo pag kakain sa amici. saraaaappppp ng san pietro wine nila. Yum!

~

wow naman...talagang nirarampa mo na ang bike mo ha! okei na exercise yan! pwede ba makisakay? hehe! nasa laguna ako nung bumili ka ng bike eh..kung nasa house ako, sasama sana ako sa inyo.
ganda ng new template mo ah! ayos!

~

nakakaaliw nga ang mga libreng work-outs sa CCP complex. minsan nga parang gusto ko ng maki join...

~

nami-miss ko na mag-bike . . .

kahit di ako marunong. natuwa ako sa URL mo. antagal bago ko na-get pero hindi naman pala ako ganun ka-slow. thanks for reminding me :)

~

Uy! salamat po sa mga dumalaw! bels... pasyal ka lang lagi!

~

Hi insan, Hey nice view! Saan ka na ba nakatira? I like the new bike especially the little basket :) talagang pang-picnic ba...

~
Post a Comment