Yes! the world revolves around me.
Sunday, June 12, 2005,8:47 PM
Malaya ka na nga ba?
... bakit gusto mong mag-abroad?
...bakit yan ang suot?
...ganyan ba kaputi? katangos?

... ba't ganyan ang tunog?
...ba't ganyan ang pustura't ayos?
...iba ang titik ng kinasanayang himig

Kagabi nanaginip ako...
pagmulat ko...
Singtangos ng langit ang ilong
Simputi ng mga ulap katawan ko...
pagbuka ng bibig? anong sabi mo?
Mundo'y umikot, bumaliktad ang daigdig ko.

Pikit mata,
nakinig sa puso ko...
ito ang alam kong himig... alam ng dugo ko...
Piling pili... pinong pino...ito ang lahi ko...
Gisingin mo na ako sa panaginip kong ito...

gusto mo bang lumaya?
Balutin mo ang katawan sa watawat...
Alam kong alam mo na ito.

Mabuhay ka!
Baka paggising natin bukas...
Malaya na nga tayo.



Bilanggo
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 2 comments

napapansin ko andaming blog ang may post tungkol sa bansa.. im losin' hope..

astig ung mga sinabi mo sa tagboard ko..=) tlga grad ka ng uste? ayus. =)

btw, anu ung nsa flickr mo? drawings? ganda e.=)

sna pede tau exchange links?

~

lea actually nangopya lang ako sa kanya :lol:

~
Post a Comment