Yes! the world revolves around me.
Thursday, May 19, 2005,6:39 PM
Birthday recap at Pusa sa ilalim ng buwan...
Recap lang, though medyo late na 'tong entry ko, last May 14, I celebrated my birthday by going to the doctor, since may fever na naman ako, though sabi naman ng doctor ok na daw condition ko based sa blood tests, niresetahan lang ako ng gamot, tapos pinatake na naman ako ng bloodtest, to confirm, pinag lunch nya muna ako, pinabalik after 2 hours, kaya gumala muna ako sa robinsons place at nanood ng Kingdom of Heaven... maganda naman, di nasayang bayad ko. Andaming tao sa mall, sale kasi, at syempre sinumpong na naman ako ng pag ka impulse buyer ko, kaya bumili ako ng submersible pump saka yung accessory na bamboo para sa desktop fountain ko, nasira kasi yung pump ko e kaya napabili tuloy ako, at syempre umiral ang landscape artist ko... kaya't eto ang pinis product.


Desktop Fountain


Kakauwi ko lang galing office, langya, last night at around four in the morning, may pumasok sa bintana ko na pusang kalye na buntis... sinira talaga ang tulog ko, matinding paliwanagan kung paano naka pasok yun sa kwarto ko... kasi yung isang part ng window ko, nabasag yung isang panel, so I covered it with linolium... pede pumasok ang kung anuman pero di pedeng lumabas. Hindi talaga mapilit lumabas ang pusang 'to kaya iniwanan ko na lang na bukas ang lahat ng bintana para makalabas sya, aba't naka uwi na ako at lahat, anjan pa din... nawili! anyways, lumabas din sya... sa pintuan that is... na bored siguro sa kwarto ko.

Tomorrow, matutuloy na kami sa Dolores Quezon... mukhang makakapagrelax na din sa wakas.

Hanggang dito na muna

 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 1 comments

uy dolores quezon.. patingin ng mga piktyurs ha :D

~
Post a Comment