Isang araw na inikot namin ang buong makati....
Its sunday today at ngayun lang ulit ako nakapag sulat sa
diary ko. Attended mass this morning. walang practice
kaya after the mass we went to Wai Ying to have a chinese
food 0overdose! Wala akong masabi sa bagong interiors ng
wai ying kundi....AMPANGET! siguro may kuneksiyon yun sa
feng shui... kasi walang sense yung blue na interior e.
Pero in fairness, masarap pa rin naman e, tsaka mukhang
luminis ang preparation at service nila. Nagbibigay na
sila ngayun ng Ice water kahit di ka humihingi.
Pagkatapos ng tsibog... punta kaming makati para humanap
ng libro ni Dan Brown, Angels and Demons...kaso lahat yata
ng sambayanang Pilipinas, bumili ng libro... puro Out of
Stock! e etong Fred na to... obsessed! talaga daw naghanap
kami hanggang Glorietta, Greenbelt National, lahat ng
branches ng Powerbooks sa Ayala center... in the end,
nahanap din namin siya sa Powerplant. Kapagod!
Kaya yun... pakiramdam ko... naubos ang lahat ng lakas ko
dahil sa isang libro! :D masaya naman dahil kasama ko mga
friendster ko...