Dolores Quezon... Here I come!!!
Friday night kami bumiyahe going to Quezon, company outing, we decided na mag trekking na lang para naman kakaiba, usually kasi pag outing namin, palaging swimming, though medyo mahirap i decipher yung directions na binigay nung may-ari, nakarating naman kami ng maayos
BrochurePag dating namin sa place, ang ganda, malamig yung place, tagaytay altitude daw kasi, Jay, the part owner of the place was so friendly to guide us on our way to our kubo's siya rin ang chef ng cafe and he works for GMA dati as production designer, no wonder para kang nasa pelikula at photogenic ang place pag kinunan mo.
Kinabuhayan Entrace
Kinabuhayan Lobby and dining areaGabi na kami nagsitulog, kwentuhan, tv, nagpamasahe pa ako, masarap sa likod...though halos mapaiyak na ako sa sakit nung sa bandang paang part na. Kakaiba ang bathroom dito... feeling mo naliligo ka outdoor pero hindi... kailangan nyo talaga subukan.
KubosSi jay, andaming alagang hayup, apat na aso... yung dalawa lang ang naalala ko, si chongki at si muning, may pato, pusa, manok, at ahas... si spencer. Masarap ang breakfast namin... delisyoso talaga! parang curry rice na may longganisa saka tomatoes na may itlog sa loob, ibang klase! hanggang ngayun parang natatakam pa rin ako habang kinukwento ko.
BreakfastAfter breakfast, start na trekking namin, hinatid kami ng service sa paanan ng bundok banahaw, yung guide namin, si manang sinundo din namin, medyo kakaiba ang experience na 'to, medyo mystical, pinabili kami ng mga kandila para daw sa dadasalan naming mga pwesto... medyo mahirap ang pag akyat baba sa akin sa bundok masakit sa binti... at mabato ang lugar, unang stop namin dun sa batis... malalim yung place siguro 200 steps or more pa yun, nginig ang tuhod pagbaba, hingal naman pag akyat, pero masarap ang tubig, parang galing sa ref ang lamig.
Chasing waterfalls
Photo OpNext naman sa mga caves... sobrang eerie yung silence sa loob ng cave, kasi nga bawal mag ingay, sacred place daw, at bawal din ang tsinelas sa mga holy grounds.
Then bumalik na kami ulit sa kinabuhayan, ligo, tas uwi na din... pero nag stop over kami for lunch, inabot din kami ng four in the afternoon para maglunch, matrapik kasi, malakas ang ulan.
Batangasit was really an experience na mahirap kalimutan, ibang klase...