Yes! the world revolves around me.
Saturday, March 26, 2005,8:55 AM
Huwebes Santo
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Ika'y pagmamasdan, sa Dakong Banal,
Nang makita ko, ang Iyong pagkarangal,
Dadalangin akong nakataas aking kamay,
Magagalak na aawit ng papuring iaalay..."
Ps 63:2-3
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Poon, Sampu sam Pako!
Kaliwa't Kanan
Maghihintay ako.

Sa wangis mong aba!
Ubos siyang luha...
Malapit ng ibayubay
sa tagdan mong Pangako .

Pawis at Dugo
Pasang buong buo
Hintayin mo ako,
akin ang magdamag mo.

Hintayin mo Ako,
Mabubuhay ako...
Ipikit mo na lamang ang mga mata mo..
Pagdating ng Biyernes Santo.



The Prayer
Photo courtesy of Ronnie Cortes
San Vicente de Paul Church, San Marcelino
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Wednesday, March 16, 2005,9:31 PM
Pinoy version
Kanina, nanonood ako ng tv... di ko talaga napigilan ang aking sarili sa aking nakita... kakatawa talaga tayo... basta bumenta, may pinoy version talaga dapat...

titigan mabuti ang larawan... kulang lang sa height... pero mukhang prendster to ni Mr. Potter...

Screen shot sa isang palabas sa isang network... aninag nyo ba? hwehehehe... baka ma demanda ako ha... antay na lang ako ng (subpowena... sabi ni melanie marquez)




Original vs Pirated
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 2 comments
,8:52 PM
Kailangan ko ang tulong nyo...
Guys! please sign up... kawawa naman...Please help keep the seal from being extinct...
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Tuesday, March 15, 2005,10:51 PM
The saga continues...
Finally! last day na ng audit namin... after a week... at least makapag pahinga naman ng konti... but not quite... I've got to fix some stuff pa... at mukhang come Holy week, which is next week, wala na naman akong pahinga.

Last saturday, bumalik ako ng doctor, and I gave him my daily bp reading since nung huli kaming magkita, ok naman daw yung result ng blood test but he asked me to take another blood exam, sa cholesterol level yata. Ni refer niya na rin ako sa EENT for my nose bleeding and come thursday, may appointment ako sa cardiologist... mukhang nagiging complicated na tong sakit ko .... Pinadiretso nya ako sa EENT doctor, na hinintay ko for 3 hours! mukhang lalo akong ha high blood-in neto... finally, dumating ang doctor... no excuses... anyway, mukhang magaling naman... may erosion daw sa mucosal lining ko (whatever that means... oo lang ako ng oo...) at medyo tabingi daw yung structure ng ilong ko, kaya konting contact or pressure lang daw, nag blee bleed agad. The next day... pinagfast ako ng 12 hours ng doctor for the blood sampling para sa cholesterol... naknangtipaklong na med tech yan, ginawang cross stitch yung braso ko... nakadalawang tusok na, wala pa rin, hanggang sa tumawag na siya ng saklolo... nung pag alis nya, nahilo na ako.. na nanlalamig... siguro halo halo na... gutom, kaba... sabi ko sa med tech na tinawag nya, "miss nahihilo ata ako" namamanhid na ang mga braso ko, sabi nya... sige relax ka muna (blah-blah-blah) sabi ko, baka gutom lang... pero after a while nag normalize na, at isang turok lang.. solb na.

Nakakapagod palang magkaroon ng gantong sakit... pero mabuti na rin at maagang na detect... at least pwede pang ma prevent yung complications... na sana wag magkaroon...

Dito na muna, amoy ospital na dto... next entry change topic na :D
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Monday, March 07, 2005,9:50 PM
Hiblood
Mukhang di maganda ang nangyayari sa katawan ko lately, last wednesday, nagpunta ako sa doctor para mag pa check up dahil sa pagdurugo ng ilong ko... pero mukhang napapadalas at di magandang eksena habang nag aassist ako ng kliyente, bigla na lang tutulo ang dugo sa ilong ko... anyway, eto ang kwento, nag punta ako sa doctor, question and answer portion, and then, pinakita ko din yung mga bruises ko, tapos kinuha nya yung blood pressure ko, mataas daw, first try 130/90... sabi nya, try daw namin ulit after 10 mins, medyo awkward tong 10 mins na to kasi tipong wala na siyang matanong sa akin, wala naman kaming masyadong mapag-usapan, at siya yung tipo ng doctor na di ma "PR" kinuha ulit ang BP, ganun pa din, sabi nya i monitor ko yung BP ko hanggang March 12, may appointment ulit ako sa kanya... pinakuha ako ng blood test sa laboratory at umuwi na ako...

Everyday, minomonitor ko yung BP ko, at mukhang di magandang sensyales, either 130/90 or 140/110... kailangan ko ng i cut ang pagkain ng porky at karne... low salt diet na din...

Naknangtipaklong... sinong magaakalang etong malnourished na to... e High blood...


Bloody Test
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 2 comments
Friday, March 04, 2005,7:45 PM
The Jeprocks Paradox
I am a paradox... A life Dying each second...
A hermit alone, in this whirlwind masquerade.
I am screaming in silence... can you hear the silence in my scream?

I yearn for Infinite wisdom... my mind seeks to be empty.
My mind will drift in full, to the devoid Nothingness,
Peace, I will be in chaos... for I am your ally.
My left clenched fist will be the art in our war, maybe, just maybe you are right.

Bow before me!
I am your Saint...
Bow! as if tempted by the Devil!
The Divine in me will show before you...
This is the true nature of Man in his full glory.


Angels and Demons
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 3 comments
Tuesday, March 01, 2005,10:40 PM
Disoriented
Last night... nag brown-out, maintenance daw ng meralco... ang guess what, alas singko ng madaling araw na ako nakatulog... dahil mainit na, malamok pa (para ala ng epekto sa mga lamok ang katol)... kaya na late ako sa pag pasok ng office kanina... buti naman at di ako cranky sa mga clients namen, though I was really disoriented habang pauwi, twice ako nagkamali sa pag pasok sa mga mall doors and muntik ko ng makalimutang magbayad ng pamasahe sa jeep...

So, I really got to get a long sleep tonight...
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 3 comments