Yes! the world revolves around me.
Sunday, September 26, 2004,4:15 PM
LSS
New Snow

Look, look out on the trees
Well from here it looks like crystal
Shining in the breeze
Look, look out on the land
Well it finally looks like winter
so just reach out your hand

Feel the new snow falling softly round me
a second chance to make things alright
Like a new love calling
new snow is falling
just outside my window tonight

She never said goodbye
she just walked out through the garden
and never told me why
she never shed a tear
now I’m watchin out my window
as her footprints disappear

until the new snow falling softly round me
a second chance to make things alright
Like a new love calling
new snow is falling
just outside my window tonight
New snow falling softly round me
a second chance to make things alright
[make things alright]
Like a new love calling
new snow is falling
Just outside my window tonight
Just outside my window tonight
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 2 comments
Saturday, September 25, 2004,5:49 PM
The week that was...
It's a lazy saturday afternoon today, medyo absent ako sa pagbloblog this week so recap na lang muna siguro ang gagawin ko, the week went out smoothly. Last tuesday, finally, may memo na ng leave credits, may nakuha rin naman ako... pangshopping din, kaya by wednesday, dumaan ako saglit sa landmark to buy some stuff... 50% nung leave credit... ubos :D by Thursday, pumunta ako sa Makati Cinema square to look for some dvd's, wala na akong mahanap na DVD ng Hero, starring Jet Li. Tapos at one point pa nga, nakipag argue pa ako sa isang saleslady who keeps on insisting na "My Father is a HERO" ang title non! sabi ko "HERO" lang... in the end, hahanapan na lang daw nya ako, sa monday, bumalik daw ako.

Come friday, dun medyo busy, kasi we have to run from one client to another, almost 50% of my day, nasa labas ako...exhausting pero late afternoon may nagpadala ng enseymada sa amin, so meryenda muna konti, chat about our clients, reminiscing yung mga past christmases ...gifts ng mga clients at iba pa... it was really fun talking to my officemates... we were laughing really hard, naiiyak na kami!

then saturday! pahinga muna... at eto nga. blogging blogging...

bigla ko tuloy naisip... malapit na magpasko.


 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Sunday, September 19, 2004,11:03 PM
After 50 years
After all the preparation, after all the stress, finally, dumating na rin yung time na pinakahihintay naming lahat... September 18, 2004. ang call time namin, 1:00 P.M. everyone was practicing and rehearsing for their part for the mass... Isa isa ng dumadating ang mga tao, may mga importanteng tao, meron din namang ordinaryo...

Maganda ang misa, inspiring, at the end of the mass, binigyan ng pagpugay ang mga taong nakatulong sa parokya over the years at pagkatapos nun, chibugan, tumutugbog ang banda, kasabay naman ang lion dance... masaya ang araw na ito... 50 na kami... simula ulit ng pagbibilang ng bagong kasaysayan.


St. Peter's 50th Anniversary

 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Saturday, September 18, 2004,8:41 AM
A lesser god

Sa kaharian namin, maraming mga makapangyarihang nilalang, may iba't ibang ugali, may kanya kanyang kapangyarihan. Dito sa kahariang ito, ako ang may pinakamagandang pakpak, kapag pinagaspas ko na ang aking pakpak, lahat namamangha... ngunit may ilan din naiingit, may ibang gustong mapasakanila, may iba, walang pakialam, may ilan ika'y sinasamba. Nang minsan, gusto kong magpasalupa, upang makita ano ba ang maaring makita duon, masaya pala. may samu't saring kulay, may iba't ibang kanta. Ginusto ko ng lumagi duon, nais na mawala na ang pakpak... handang ipagpalit ang sinasabing natatanging katangian... mamuhay na lang sa lupa.

Pero kailangang tawagin muli ni Bathala... isa kang diyos...dito ka nararapat...

Ang pakpak... naging sumpa... tanong sa sarili, bakit hindi sa lupa? duon ang gusto ko...

Ang nararapat ay nararapat... ang bathala ay bathala...

Sana... hindi ako bathala...

(paunawa... walang kinalaman ito sa show na pantaserye sa siyete... mga sentimyento ko lamang... hanapin nyo na lang kung bahagi kayo ng kwento)
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Monday, September 13, 2004,12:42 AM
Blog Update
May bago na namang thing-a-majig tong blog ko, got this from ate thess... flicker...

hope you like some of my works!

 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
Friday, September 10, 2004,7:13 PM
Nothing much
Been wondering what to blog this day, nothing unusual... got free lunch though, kasi birthday ni sir mike, yung isang client naman, nagbigay ng ice cream, 3 flavors... si ma'am shee naman, binigyan si sir mike ng cake... na kami rin ang kumain. Nakakabusog...

Nothing much today...

Si hannah, tumawag kanina sa branch... may favor daw siya... gusto nya akong mag emcee for her wedding... sabi ko hanap na lang siya ng iba... para kasing pakiramdam ko... graduate na ako diyan ... gusto ko na lang maging guest... na i doubt kung maaattendan ko rin...

dito na muna...
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Thursday, September 09, 2004,10:50 PM
Panira ng Sabado!
Woke up a little late today... tapos tinext ko si Sir Mike ng Happy Birthday, bukas pa pala... akala ko today. The day went well today, medyo maaga din ako nakauwi, things ran pretty smoothly today, though kulang kami sa branch. Naka leave si Ms. Shee tapos si Ms. emi naman, may seminar today, though half day lang... di naman masyasdo ang bearing, kasi di naman masyado matao.

May na receive kaming e-mail kahapon, may seminar daw area namin this saturday, from 8:30 a.m. to 5:30 p.m. , syempre lahat pissed off... yun na nga lang time magpahinga and do your extra ekek activities, kukunin pa nila, whole day pa! and late notice pa! (di naman ako masyadong galit no?) tapos kaninang umaga, may addendum daw... hanggang 9:00 daw ng gabi yung risk appreciation seminar na yun, inextend na lang instead of 4 days run... por diyos por santo... alam ba nila ang ginagawa nila? may papasok pa kaya sa mga utak namin come 5:00 pm? i doubt... pero wala naman magagawa e... umabsent ka man, kailangan mo pa ring umattend sa next run nung seminar... oh well... tiis na lang onti... dami tuloy bulilyaso, even my practice for our event next week naapektuhan! darn!

Anyways, went home early... (relatively) pinahiram na ako ni Ms. Jane ng DVD, the notebook... kaya nanood ako after kung dumating ng house... gitna ng film... sorry talaga... nakatulog ako... ewan ko ba... pero am still giving it a chance, panonoorin ko na lang ulit kung san yung naabutan ko...

Nareceive ko na rin yung story ng mama ni lucci, medyo challenging kung paano ko yun i eexecute, kailangan ko pa siguro mag research.

Hanggang dito na muna.
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Tuesday, September 07, 2004,6:27 PM
Just intay (just in time) :D

7:30 A.M. I was rushing to go to our head office, may aattendan akong seminar today, ayokong ma late, "Time and Task Management" pa naman yung seminar na aattendan ko... tsk tsk... pero na late ako :) :( ... the seminar went ok naman... learned a lot of things... pero ang pinakanagustuhan ko... op kors... yung mind mapping. Kasama ko si Kris sa seminar... siya lang kasi kakilala ko dun, sabi ko, picture naman kami, para malagay ko sa blog ko... kaya eto... after ilang attempts.. this is the best that we could do (may tulong pa ng photoshop, hehehe). Nangungulit pa na kailangan daw ma post ko agad sa blogger ko... (aba't may balak pa yatang magpadiscover sa mga movie producer). Maaga din kami natapos, kaya nagkwentuhan na lang ang mga participant... maganda daw yung movie na "The notebook"... kailangan ko yatang mapanood to... "to see is to believe". hehehe...

Nag bus na ako kanina, since mas malapit sa sakayan ng bus yung head office namin, after sending off Kris, sumakay na ako... Sus maryosep... pagdating ng South Superhiway... pilit parin pinag sisiksikan ng kunduktor ang mga tao sa loob ng bus kahit di na kami makahinga at nagkakapalitan na ng mga mukha ang mga pasahero... tsk tsk... buti na lang nakaupo ako... nye nye nye nye nye...

Ako and Tin (mukha akong inaantok...)

I guess that's about it... really had a great day today... did some blog hopping... though medyo kinakabahan at baka ma virus na naman... no na lang ako ng no sa mga prompt... mukhang the virus is still lurking... ayokong malukring pag nagkataon.

 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Sunday, September 05, 2004,10:55 PM
Virus Free... I Hope!
Kakaformat ko lang ng pc ko... na virus na yata ng tuluyan at ilang araw akong di makapasok sa entry ng field ng blogger... but anyway... buti naman at natapos na ang kaguluhang ito... suspetsa ko? sa i web... :D walang magagalit...
Natapos na din ang audit ng branch namin... at last... makakauwi na rin ako ng maaga, halos isang lingo din akong late ng nakakauwi... haay... hanggang kelan kaya ako dito sa trabahong 'to... tiis na lang muna siguro...
Habang nananalangin akong maayos ng virus scanner ko ang pc ko, nag dra drawing muna ako... nag text naman kanina si lucci... papadala nya na daw sa akin yung kwento ng gawa ni nanay... at last nagkakaroon na din ng development, sana magtuloy tuloy na...
Drawing na naman 'to out of my imagination... kaya di perfect yung mga shapes nila... though madidistinguish mo naman kung anong hayop sila...sana napangiti nila kayo...
Kaya smile naman diyan!

Jungle Barkada



 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments