Yes! the world revolves around me.
Sunday, January 22, 2006,9:58 PM
Crowning Glory

Just a weekend recap...

last saturday,nag robinsons place ako to have a haircut, ganun na pala ngayun sa mga salon, nakakatuwa yung hairstylist, may showmanship... parang bartender, pinaiikot ikot pa yung gunting sa fingers nya while doing my 'do'... hehe, he asked me, kung anong gupit, sabi ko, yung bagay na lang, style mo na lang... then he started doing his thing. Sabi nya, crop natin ang buhok mo... ang dinig ko pa nga 'crap' :)) tapos yung buhok ko parang gulo gulong ewan, pero in a nice way naman, japanese inspired daw sabi nya... natawa pa nga ako at one point of our conversation, sabi ba naman, dito sa fix may sarili talaga kaming style, kung gusto nyong bumata, na iistyle yan... (para bang gusto nyang sabihin... matanda na ho kayo... talk about fountain of youth!) eto ang punchline... ang sabi nya, ang weird no? pero maganda... maganda naman, kaya lang ewan ko lang pag ako na ang magaayos...

Parang yatang fusion ng sundalong hapon na kakatapos lang mag chemo...


funky

After the haircut, kumain muna sa contis sa greenhills, the salpicao...the best! tenderlicious baga... ang the mango bravo... magnificent! Nag ikot ikot din ako sa greenhills and spotted wyn... schoolmate ko nung high school, medyo nangayayat sya sa huling kita namin, kamustahan as usal... kamustahan ng mga common friends... I wonder what was she thinking when she saw my hair? Nang mapagod, decided to go home and take some rest... nakakapagod irampa ang buhok na ganito :))

Sunday, I just stayed home, gusto ko nga sana magikot ikot sa binondo... for sights and sounds... malapit na mga chinese new year, masarap busugin ang mata sa mga kulay dun at this time of the year... kaya lang tinamad ako... maybe next week...

Ok ok... maybe the hair was not a bright idea...sabi nila, a hair could make or break a man... what choice do i have? you decide!
 
posted by Jeprocks
Permalink ยค 5 comments

sana hindi ko mapuntahan ang salon na yan at baka makipag away lang ako pag sinabi pa sa akin ang 'obvious' na matanda na ako , he he
i think your haistyle suits you, new time, new style ;)

~

ok naman yung hair sa ulo ha. heheh. ;) miss ya! Pare nasa makati ka pa ba? Makati clinic ako pag Monday and Thurs!

~

Jeff! I like your new 'do! Funky! There are so many hair styling products that you could experiment with now! The last one I had Andrew try was L'Oreal's OUT OF BED, for tha natural "gulo" look. Bwahahahha. Pati pala yung bagong gising na look pinagkakakitaan na. =p

~

hai! ;) konbawa!

~

nasa nagdadala yan... carry mo naman eh... naks!

~
Post a Comment