Yes! the world revolves around me.
Sunday, February 27, 2005,9:30 PM
Conversation with Jeff

Its a long drive going home, i have a whole lot of time to think for myself... Tipong conversation with jeff, trust me, im no schizo, its just that, i value this private time with myself dahil minsan kapag uwi ko ng bahay plakda na talaga ako, eto yung mga oras na pwede kong i reasses yung buhay ko, kung paano ko matutupad ang mga pangarap ko, kung paano ko pa makikilala ang sarili ko, my strengths.. My weaknesses.. My weaknesses na akala kong weakness pero strength pala... Mga taong nasaktan ko.. Mga taong nanaglect ko, mga taong gusto kong gayahin dahil sa mga prinsipyong pinaniniwalaan nya sa buhay... At ang sining na ginagalawan ko.


Masarap mag-isip, masarap mag-isa, marami kang natututunan...


In the end... Pagsara ng libro ng buhay mo, pangalan mo naman ang nakasulat na may akda nito.

 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 2 comments
Saturday, February 26, 2005,7:40 PM
Bad Chi

Its been really an exhausting day today, 4 times akong nagpabalik balik sa gilmore... Weekly na yata ang rendezvous ko dito, well, waddaya know, this time, monitor ko naman ang bumigay, kailangan ko ata ifeng shui ang pc ko dahil madami atang "bad chi". Am doing this entry using my cellphone, hi techy.


Charlene dropped by the house kanina, galing daw siyang St. Peter, nagmeet sila ni Arlene... She was so thoughtful, binigyan pa nya ako ng cd ng jars of clay, na papanoorin nga pala namin this wednesday, medyo naguilty nga ako kasi di ko siya masyadong na entertain, but anyway, I know she understands.

Vangie texted me this afternoon, aba aba, nasa puerto galera... She asked me kung meron na daw akong puka shell bracelet... Ang to thoughtful talaga ng mga prends ko, sabi k sa kanya, bili nya na lang ako, para naman masuot ko sa summer, at syempre, sabi ko,try nya mindoro sling, at ayun, natry nya na daw, and she was really wasted after having a couple of shots.. Haaay, after all this stress, I wanna go somewhere really far... At mag relax relax.

By the way, yung outing namin, up till 4 in the morning, videoke to the max kami ni mj (new found friend ko na friend ni jinky na nagka sore eyes last week) ubusan talaga ng coins hwehehe, by the way, sayang di ako natuloy sa seminar.. Pagod sa outing, siguro sa susunod na lang.. Kung meron ulit.

Dito na muna

 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Tuesday, February 22, 2005,8:50 PM
This entry is creatively entitled... February 22, 2005
Same morning, nothing so special, medyo rush lang ng konti kasi trinasfer ko pa yung kape ko sa thermos, buti na lang di ako na late... otherwise I have to pay 40 for being late... I just wish alisin nila 'tong crappy rule na 'to, na wala naman akong makitang sense...

Same old stuff, free lunch, blowout ni Ms. bessie, nag Kenny Rogers na lang kami, nagkaroon ng aberya, ayoko na lang palakihin pero pissed off ako kanina dahil sa orderan na yan.

Sinundo ako kanina sa branch ni Tricia at sabay kami umuwi, though I waited for her ng medyo matagal... funny pa, kasi dahil hindi ako convinced na nakaalis ng branch nya, pinakausap pa ako sa driver ng fx na sinakyan na... tama ba naman yun...

Paul called me just a while ago and asked me if I wanted attend this saturday sa Arsobispado para sa seminar about Liturgical arts, syempre, medyo madami akong commitments kaya nag dalawang isip din ako, pero, at the same time, gusto ko na din pumunta, sayang naman kasi e... excited din ako, kaya I texted him to count me in for the seminar...

Dito na muna, update ko kayo sa outing namin sa thursday at sa seminar... oki docs manoks!
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
Sunday, February 20, 2005,11:44 PM
Memory
~~~~~~~~~~~~~~~~
Memory
All alone in the moonlight
I can smile happy your days ( I can dream of the old days)
Life was beautiful then
I remember the time I knew what happiness was
Let the memory live again
~~~~~~~~~~~~~~~~

Alas! Naayos na ang pc ko, after having a great deal of stress dahil sa pc na ito...

unang technician... sira ang motherboard mo... after 30 minutes, tawag sa cell... processor ang may diprensya, di ang motherboard, ... pramis! gusto mo ng sempron?

pangalawang technician... check ko muna, sira ang processor... pero phase out na ang processor mo, wala ng makukuhang ganyan... either sempron ang kunin mo, na higer, o lower... after 2 days... ang motherboard mo pala ang may sira... mas mura yun...

Pangatlong technician, tawag sa phone, malamang sa power supply yan, 1 out of ten lang ang makakaisip na powersupply ang may diprensya, pero try mo din...

Sa sobrang gulo ng pangyayari, I decided to just bring my cpu to gilmore, at ang problema?.. Click! Ang Memory! nahihiya pa nga akong tanungin sa mamang technician kung ano yung piyesang sira, basta binunot nya from the motherboard, tas sabi, boss, eto ang sira, bilin mo na lang sa kabila... at ako namang si computer illiterate... lapit sa saleslady... "Miss, pabili nga neto (sa isip ko, ano ba to?)" Nahihiya man, tinanong ko na din sa tindera kung ano yun, RAM daw... kaya pag kakabit nung technician, gumana na... nakatipid ako... from 4k something, naging 1888 na lang, masayang inuwi ko ang pc...

Pagdating sa bahay... tadaaa!!! corrupt na ang windows...

Ano pa nga ba magagawa, reinstall...

aba... parusa talaga, mukhang pinarurusahan talaga ako, ayaw mag install ng windows, out of range daw... Anakngtipaklong !

Pero nilipat ko ang installer sa DVD rom... umandar!!!

hangang sa pag install ng tv tuner... aba! Balik sa dati...blackout na naman ang cpu.... waahhhhh!!!! sabi ko sa sarili ko... hindeeee!!! hindi na pwedeng ganito, binuksan ko ang likuran ng cpu, kalikot dito, kalikot dun...

And waddaya know...

ang galing ng pang limang technician... gumagana na... nagagamit na ng may-ari e :p



Ang pang limang technician
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 2 comments
Sunday, February 13, 2005,11:05 PM
Eto? kaya mo?
Guys, just want to share this pic with you, meet Cocoi, ang kitty cat ng friend kong si enggay, topak din to pag walang magawa e, pa surf surf na lang...

Enggay, paheram ng pic ha :D



Cocoi and the mouse
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
,10:29 PM
Requiem for my Processor
Two days in a row... wala akong pc... nasira... at ako ngayu'y nakikigamit ng pc... nasunog daw ang processor... :( unexpected gastos na naman... akala ko tahimik na ang buhay ko at masosolo ko na ang ipon ko... darn! mukang sa pagpapaayos pa ng pc mapupunta tong ipon ko... Ang konsuelo ko na lang... di ko naman madadala sa hukay ang pera ko. Pero mukhang matatagalan pa bago ako makapag computer, dahil sa 26 ko pa madadala yung pc sa bilihan ng piyesa.

Last Friday, lumabas kami ni Tricia to have dinner... huli ako! haha! kaya daw ako pumayag na sumama sa kanya for dinner kasi sira pc ko at wala akong magawa sa bahay... and my answer of course..."HINDI AH!" hehehe... kumain lang kami sa Don Hen, tapos nag coffee... treat nya yung meal namin tas treat ko sya ng coffee... na parang hindi din, kasi yung pinangbayad ko, gift checks lang na bigay ng client ko. At syempre, everytime na mag kasama kami, walang patumangang rantings about our work, yet... eto pa rin kami... the same employer... Kasama na din dun yung pang ookray namin sa mga nakakasalubong namin habang nag lalakad... Nakakatawa nga, may nakasalubong kaming mama, tapos the works... akala mo sasayaw sa saliw ng latino music...itinaas pa ang kwelyo... aba't ang Tricia, sabi ba naman..."O? andito pala si Enrique Iglesia...asan ang maracas?" tawa na kami ng tawa... buti di kami napaaway.

Nung sabado naman, OT kami, finally, natuloy din after 5 attempts yata. Sobrang antok ko, at one point nga, nakatulog ako habang nag eencode, pag ka mulat ko, puro "0000000000000000000" na yung screen... napatawa na lang ako.

Inis pa din ako sa nangyari sa pc, pero anjan na yan, wala naman choice kundi ipagawa, unless, gusto ko ng malaking malaking paperweight. I'll update you once na ok na ang pc... 'till then, enjoy my "new improved Blog".
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments
Wednesday, February 09, 2005,7:33 PM
Boy Rusing
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kanina may nakita ako... isang mamang marusing...
may bahid ng alabok ang mukha, kaliwa't kanan, tingala...
Kanina ang mama, naglakad...
Nakasalubong, tila tinatanong...
Ang kinis ng iyong mukha... ba't marusing na nga,
Ang iba'y pumula... Sing itim daw ng budhi.
Tahimik ang mama, di umimik, alam sa loobin kung bakit nang gigitata...

Itong abo? sadya ko 'to...
kaninang nanalangin, tinatanaw ang Poon...
Sinusubukang abutin, kahit malayo...
Di man mapalapit... ngunit may pangako...

Diyos! Diyos! Narito ako!!!
Alabok sa alabok... ipaalala mo...
Kutyain man... di mahihiya...
kasanib ako, sa mga mahal mo.

Sing itim man nitong abo kaloobang kaloob mo...
buhusan ng Dugo... lilinis na ako...
Natutununan ko... sa lahat ng ito?
lamang magmahal ang mas umuunawa.

Ngayun dumilat... silayan mo...
siya ang mamang marusing...
na siyang tukoy ko...


Boy Rusing
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 1 comments