Anim na daan...
Early morning, I was rushing to go to work, late! as usual... At pagsakay ko sa jeep, may nakakuyumos na pera sa sahig ng jeep... siguro mga 600 or more, 500 peso bill kasi atsaka hundreds, pinulot ko, tapos nilagay ko sa bag ko... walang ibang pasahero, ako lang, pero napag-isip isip ko, hindi sa akin 'to... inabot ko sa driver ng jeep, sabi ko, "manong, may nakahulog yata nito..", yung driver, just shrug...at nilagay ang pera sa lalagyan nya ng barya...
Lahat ng pinag kwentuhan ko nito... ang sabi... "ba't mo binigay?"
Bakit nga ba? naisip ko... nakakahinayang... pero simple...
siguro nga ... ma pride ako, ma "prinsipyo" sabi ni Arlene...
simple... "Ba't ko kukunin ang di naman sa akin..."
Sagot nila... "di din naman yun sa driver e..."
may iba't ibang kuru kuro...
"di mo naman ninakaw e... ang pagnanakaw... kusang kinuha habang nariyan ang may-ari..."
"Sana dinonate mo na lang sa taong di capable na kitain yung perang yun... o kaya sa charity..."
Ang sa akin lang...
Wala namang issue dun... pera lang yan 'tol!
ikaw? ano sa tingin mo?