Yes! the world revolves around me.
Tuesday, June 28, 2005,8:37 PM
Take one day at a time...
I just got home from work, galing sa isang client... na napakakulit... no... that was an understatement... anyways, nagumpisa at natapos ang buong araw ko just assisting her, but anyways, call of duty, kahit pulang pula na ang hasang ko. Pero ipapatawag daw nya ako ulit kapag nagkaroon ulit ng problema, bwahahahaha! sana lang... ang dasal ko, di na magkaproblema, sabi nga ng boss ko, hinostage na daw ako ni Ms. ****, di na ako pinakawalan.

Last saturday, Nagpa-assess ako for migration, nakapasa naman daw kaya lang medyo mabigat financially, pero mababawi ko naman daw in a year or two, hopefully, mabigyan ako ng visa and maapprove yung migration papers ko, am crossing my fingers.

Nanood din ako nung weekend ng "Nasaan ka Man", it was nice naman, very well crafted and ang galing din ng direction ni Cholo Laurel... I give it a 9, though the story and the plot is really not that original, maganda pa rin yung buong concept... I just don't like the butterfly cgi sa ending, sana gumamit na lang sila ng tunay na paru-paro. Great acting by the actors, lalo na dun sa dalawang beterana...Hilda and Gloria... brilliant performance... so if you still have a chance, go see the film, hindi mo panghihinayangan 'to.

So, pano? dito na muna?
hanggang sa susunod na blog!
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Saturday, June 18, 2005,12:23 PM
I like to move it move it... MOVE IT!
Anniversary today ng bank namin at ang gimik nila... Sports fest! Di sana ako pupunta, kaya lang my boss asked me to accompany her kasi di nya alam yung venue, to make the story short... napilitan akong sumama :D pero ok lang, masaya na rin naman e. 7:00 a.m. ang call time, pero mga 8 na kami pumunta, dami ding umattend, saka sporty attire ang lahat. Syempre picture picture, at least may remembrance kahit sandali lang akong nagpakita.

Here's one with Rin Tin Tin...



Tin and I

Ang pinaka pièce de résistance ng event ay ang cheering competition... magagaling ang iba't ibang teams from different areas and departments... I just hope nanalo ang team namin... Go green team! *clap* *clap*!


Am seriously considering working somewhere else pero di na dito sa atin... kailangan ko ng i parenew ang passport ko just in case... Darn! dami pa palang dapat asikasuhin.

Dito na muna!
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 4 comments
Sunday, June 12, 2005,8:47 PM
Malaya ka na nga ba?
... bakit gusto mong mag-abroad?
...bakit yan ang suot?
...ganyan ba kaputi? katangos?

... ba't ganyan ang tunog?
...ba't ganyan ang pustura't ayos?
...iba ang titik ng kinasanayang himig

Kagabi nanaginip ako...
pagmulat ko...
Singtangos ng langit ang ilong
Simputi ng mga ulap katawan ko...
pagbuka ng bibig? anong sabi mo?
Mundo'y umikot, bumaliktad ang daigdig ko.

Pikit mata,
nakinig sa puso ko...
ito ang alam kong himig... alam ng dugo ko...
Piling pili... pinong pino...ito ang lahi ko...
Gisingin mo na ako sa panaginip kong ito...

gusto mo bang lumaya?
Balutin mo ang katawan sa watawat...
Alam kong alam mo na ito.

Mabuhay ka!
Baka paggising natin bukas...
Malaya na nga tayo.



Bilanggo
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 2 comments