Yes! the world revolves around me.
Saturday, June 23, 2007,1:32 PM
O! smile... 1-2-click!
Ok! Updates updates! Last last saturday was Paula's birthday, and as I've mentioned, we sang a few songs during the party, ok naman daw, sabi ng friends ko... ewan ko lang kung anong opinion ng aking mga detractors.

The speech of Paula's mom was really moving... kumbaga, pang "chicken soup for the soul" sabi ko kay Arlene. We decided to go home at around 1 am na... I think kaming dalawa na lang nga ni Arlene ang sober that time... ang mga bagets, nag inuman, may sumuka... kami ni Arlene? been there, done that. ahahaha!

Here are some pictures na kuha during the party, sabi ni Paula. ba't daw yung mga kuha ko, project ako ng project, walang mukhang candid. Well... ganto talaga kaming mga celebrity, sa industryang ginagawalan namin... pictorials kaliwa't kanan... matututunan mo din yan hija. =D

Finally, nakabit na din yung mga braces ko, although hindi naman masakit yung ipin mismo, puro singaw naman ako dahil sa mga alambreng naka kabit. It took us I think mga 5 hours para makabit ni Dr. Jill lahat ng brackets... hopefully after 2 years... maalis na din 'to.

Ang hirap kasing kumain, sumasabit sa mga bakal, and syempre affected din ang speech. Gamit ko pa naman 'to sa trabaho ko, pero ok lang, tunog mayaman naman pag nag salita, hehehe. Sabi nga nung doktora, "You're crazy", paano ba naman, habang kinakabit nya yung mga bakal, picture ako ng picture... sa isip ko lang, doc, that's an understatement!

I also got my package from the post office galing kay Dom Lawrence, 5 DVD's, yung dalawa, gregorian chants na ang background, yung monastery nila Dom, isang winter scene and yung isa naman autumn.

The other dvd's, series ng "THE MONASTERY" reality game show na shinoot sa monastery nila. May 5 contestant na papasok sa monastery nila for 40 days and 40 nights. The show was really interesting, tinapos ko nga ng isang upuan lang.

And then, Last sunday after the fiesta mass sa St. Peter, dumiretso na kami ni Arl and rcie sa RCBC tower to watch Zsazsa Zaturnah, it was fun watching a pinoy comedy play, and ok ang effects although may mga parts na dragging, Naexpect ko na yun kasi binalaan na ako ni Byron na may mga ganung eksena nga daw. Si Didi (sidekick ni Zsazsa) lang ang nagdala ng show.

I've been keeping my hands busy lately doing knotted rosaries, got the idea from rosaryarmy.com, visit the site if you have time.

Mukhang dito na muna tayo, abangan ang mga susunod na posts!
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 4 comments
Thursday, June 14, 2007,10:47 PM
Changing Constantly
Pardon the clichē, but there are a lot of changes happening in my life lately. Tulad ng...

Dahil ninakawan "nilooban" ang aming bahay, we decided to have our grills removed at tinakpan na lang ang lahat ng bintana sa kitchen namin... and one more thing... we got a new askal astig dog named "BRAVO"! So far, so good... I think he's adjusted already with his new environment.


We started a new band with standards or jazzy repertoire. Aside from the fact na we want extra MOOLAHS, enjoy kami sa ganitong genre ng music. Though until now, wala pa ding name yung band. We have a debut (pun intended) performance on saturday, sa debut ng friend namin, I just hope it'll be blast. Pictures will be posted pagkatapos ng performance.

I might soon be wearing braces, sa panghihikayat ng aking friend, na investment daw... sabagay, investment nga naman ang looks...pero sabi ko nga sa kanya, I'm running on a tight budget, kaya baka sa september ko na mababayaran yun... eh pumayag naman... tatangi pa ba ako? I just wish na 'di sadista yung magkakabit at mag aadjust ng bakal sa mga ipin ko. Na foforsee ko na... mangangayayat ako.

We are forming a new ministry which will basically be in charge of the "communication" aspect of our parish. This means that we have to come up weekly with "Catching 153", the new weekly missalette/newsletter of St. Peter Parish. The launching of the missalette will coincide with our parish fiesta on the 24th, so I hope mapansin ng mga parokyano ang pagbabagong 'to. And in a few months time, we will also be launching the website of the parish and kasama na din dito ang upkeep ng mga bulletin boards inside the parish. Here's a sample teaser for the launching of the said newsletter...



May bago akong pinoy, US based cenobite monk friend dahil sa blog na inintroduce sa akin ng isa ko pang friend (labo no?) ganito kasi yun... si Rcie blogger friend nya si Dom Lawrence (the monk) tapos kinuwento nya sa akin na meron nga syang blogmate na monk, sabi ko sa kanya, "hingi mo naman ako ng rosaryong gawa nila", edi syempre, sya naman, dahil friend nya ako, sunud sunuran, hiningi ako... and after a few weeks... chan chara ran...

Nagkukumahog akong pumunta ng post office nung natanggap ko ang notice, akala ko nga di na ako aabot kasi 10 minutes to closing na ang post office, pero awa ng Diyos, naka-abot naman. Pinuntahan ko yung window 124 para i claim, tas kinuha yung package, pinasa sa customs, sinipat, nakasulat DVD, akala bold (joke lang Dom lawrence), sabi ko, rosaryo laman nyan, nakonsensya ata yung taga customs, nakita, rosaryo nga, binalik sa kahon, tapos pinasa sa bayaran. I paid 35 bucks, di ko na tinanong kung para saan, para yata sa storage or holding fee... nevertheless I was giddy to bring home my goodies.

Nung pag-uwi ko, nakita ni mame yung package, sinilip, ayun, hiningi na yung isang rosaryo, sabi ko imported yan! galing pa sa 'merica. Natuwa naman sya.

Thanks Dom lawrence for the rosary, I appreciate it very much, ineexpect ko nga isa lang ang papadala, ang mabait na monk 3 ang pinadala.

Na touch pa nga ako kasi yung isa daw gawa nya, alam sigurong deboto ako ni St. francis kaya San Damiano cross ang inilagay.

At eto pa, papadalhan daw, actually pinadalan na pala nya ako ng dvd ng gregorian chant na may background scenery ng monasteryo nila...

Next time, ako naman ang babawi, papadalhan ko sya ng painting ko na kopya sa isa nyang picture dun sa blog nya. Pakiantay lang po. hehehe.

Well, I'm glad that these things happened... otherwise, I might die of boredom, from gising, trabaho, uwi sa bahay, computer, tulog. Paulit-ulit.

Hanggang dito na lang muna tayo... baka kasi magbago pa isip ko.
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 4 comments