Today is the Chinese Moon Fest to be exact kaya naisipan kong i blog yung nangyari sa amin kahapon... at least may relevance. Nilibre ako ng boss ko sa isang moon fest celebration sa Mandarin Oriental...She is a Feng Shui fanatic, I tell you. So, syempre libre nya naman ako, edi sama naman... for curiosity sake at syempre, sa libreng bogchi.
The event started at around 7:30 PM na pero we arrived there mga ... 5:30 lang naman... di masyadong panatiko no? anyways, since nandun na kami, nanuod na rin kami ng rehearsals. Sabi ko, ok na rin 'to atleast baka may mapulot ako dito na pwede kong idagdag dun sa celebration namin on sunday. We celebrate din kasi chinese festivities as part of inculturation dun sa church namin.
Medyo late nang nagstart, ang dahilan... ang mga VIP's na late... well some of them are too enthralling to look at, so wag na nating pintasan... Julie Yap Daza... wow, epitome of elegance, Baby Arenas? pede na rin, she was nice naman e and she keeps on smiling, unlike yung ibang socialite na abot hanggang langit kung tingnan ka, mula ulo hanggang paa, sabay sabing HAMPASLUPA (forgive my imagination, sometimes it really runs amok). Syempre, sa intro nila, dance number, with those young ladies na kala mo alang mga buto... mala jelly fish ang katawan, walang sinabi ang sex bomb dancers...
Sayaw, sayaw ang mga girls... "background music" instrumental na "reflection" from mulan...
Pero eto ang nakakatawa... humirit yung katabi namin, sabi nya sa kasama nya " O alam mo yan? alam mo yan kanta? hah? (as a matter of fact na parang chinachallenge nya yung kausap nya, dahil alam na alam nya yun kanta)". Syempre yung kausap nya, umiiling... (from a different generation)... Sabi nung mayabang "LITTLE MERMAID" (as a matter of factly).
Gusto kong gumulong sa kinauupuan ko...ibang klase ang tama nya nung gabing yun.
Tapos ng dancing, dancing, may kumanta naman na mama... F4 ang napiling kanta... pero walang kabahid bahid ng f4 ang itsura, next number please...
Ang finale... ayun, nag majik majik na si Joseph Chow, habang kami e nag chachant ng ewan ko ba kung ano ang sinasabi habang dinidistribute yung mga paper lanterns for us. Indeed it was an enchanting event... hypnotic if I may say... A bit of superstition... a dazzle of humour...
Ano nga naman ba ang aasahan mo... E Bilog ang buwan...