Yes! the world revolves around me.
Sunday, June 25, 2006,10:00 AM
On Higher Grounds
I finally got the BIG NEWS last friday. But up till now... di pa rin nag sisink in sa akin yung balitang yun...siguro pag karga nun sa next payday, baka sakaling matauhan ako, hehe. 2 araw akong nasa seminar for our e-banking services kaya medyo pahinga ng konti, there's a sense of urgency sa pag schedule nila nung seminar since marami kasing mag reresign dun sa mga speakers na empleyado din namin, for a greener pasture. Last friday din after the seminar, dumiretso na ako sa branch since may padespedida kami for Ms. Malou sa hap chang market! market! (kailangan may !! at pasigaw ang pagbigkas)... medyo malungkot din kasi almost one month lang kami nagkaroon ng interaction dahil kakalipat ko nga lang sa branch nila, tapos, magreresign na sya, ok pa naman 'tong katrabaho. Pero sabi nga nila, kung mas maganda naman ang pupuntahan mo... bakit hindi?

Isang lingo na 'tong lss syndrome ko... ang kulit kasi eh... tara! makinig muna tayo!

ORDERTAKER ~ PNE

Waiter! Pa-order naman ako ng porkchop
At tsaka ng dalawa ngang kanin
Lagyan mo na rin ng konting ketchup

Meron ba kayong chopsuey? (Wala po!)
Meron ba kayong adobo? (Wala rin po!)
Meron ba kayong bulalo? (Ubos na po!)
Meron bang kahit na ano? (Wala!)
Wala?

Hoy! Wala na bang ma-o,
Wala na bang ma-order, ma-order
Chef! Meron na ngang menu
Wala namang ma-order, O waiter
Sana naman may siopao man lamang o burger
Pa-order, pa-order, pa-order

Waiter! (Waiter!) Order! (Order!)
Waiter! (Waiter!) Order! (Order!)
Waiter na gwapito ano bang meron dito?
Waiter na gwapito meron bang
Chicken mami, longsi, toci, at tapsi
Pancit, lugaw, at lomi
Tokwa’t baboy, pares beef
Fried siomai, gutom na talaga ako
(Fried siomai) Gutom na talaga ako

 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Monday, June 19, 2006,7:17 PM
Hodgepodge
Nag lunch kami kanina ni Charlene sa Mixxalada... our usual schedule for lunch date... monday and thursday. Nag chix inasal ako, while Char had bagoong rice... di ako masyadong nasarapan, mas masarap pa luto namin sa bahay eh.

Sobrang funny ang tripping namin kanina, maybe we were so hungry and we were getting cranky na kaya, naisipan na lang naming magpatawa...

Eto yung mga patawang kuha namin...

Sinong gusto ng BOTTOMLESS ICED TEA? taas ng kamay!


Gusto nyo ba ng bottomless iced tea?



Char in the palm of my hand...


Abangan nyo rin yung gagawin naming food trippin blog ni Char... we haven't finalized the lay-out yet, but we will launch it the soonest!

The day went ok naman, It's our 55th anniversary today, so may sobetero kami for our clients till lunch time...

Later in the afternoon, umattend ako ng meeting sa barangay to represent the branch... pero nag volunteer din ako dun kasi sayang yung opportunity for leads... Well, I'm really disappointed with the filipino psyche na... reklamador! When I attended the meeting, yung mga participants, walang ginawa kundi magreklamo... pero come to think of it? wala namang naicocontribute sa society... nakakainis lang... kasi para sa akin, If you are not part of the solution... then you are part of the problem... haayy... siguro nga, what we need is a paradigm shift... Maybe not today... or not the near future... But who knows... maybe Someday.
 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments
Sunday, June 18, 2006,10:56 AM
An interview with a Jeprocks
So what happened to you? We haven't heard anything from you lately? Baka naman nag asawa ka na ha?

jeprocks : Finally! I'm back blogging again, medyo nangangapa ulit collecting my thoughts... dumaan na ang paglipat ko sa ibang branch, ang birthday and whathaveyous (peyborit kong term na sabihin kay char) nang wala man lang akong update sa inyo... but don't worry, I'll make it up to you.

Things are pretty good at the moment, mukhang things are working favorably to my advantage career wise, and I'm enjoying every single moment of it. Mas focused na din ako, dito nga siguro ako hiyang sabi ni tintin.

Any updates on what happened on your birthday?

jeprocks : Actually, nung birthday ko, nag branch outing kami. We were supposed to go to Lian Batangas and then stay sa Canyon woods sa Tagaytay para mag overnight, pero inabot kami ng kamalasan, bumagyo nung May 13. Para kaming nasa relief operation while we were on our way to the place, disaster area yung kalye on our way to Batangas, so we decided to stay na lang sa Tagaytay since may nagsabi sa boss ko na wag nang tumuloy... ang nakakatawa pa, brown-out sa Canyon woods dahil nga sa bagyo! Kaya ang nangyari, candlelight dinner ang birthday ko, it was fun though. And buti na rin, ganun ang nangyari kasi nagpa book ako ng reservation going to buri, kaya lang may shooting daw so nilipat nila yung schedule ng stay ko the following week, otherwise kung natuloy yun, malamang inanod na ako sa dagat.

So how was it? how was buri?

jeprocks : I managed to get the accomodation for half the price, thanks to Daisy, meron silang gc's sa buri, it was a 3days 2 nights stay, kasama na transpo and continental breakfast, facilites, and even snorkeling! Ang problema nga lang, parang isolated island yung place, so we have no choice but to dine sa buri mismo, eh medyo costly nga kasi one dish would cost you around 300 bucks! pero worth it naman kasi the food was really excellent. I also treated myself for a massage, pa birthday ko na sa sarili ko, thumbs up din! The place was so relaxing, solb na solb talaga ako... sulit naman na birthday gift for myself, and sabi nga the proof is in the pudding, so check out the pics...

Sounds interesting, by the way, balita ko, umattend ka daw sa engagement party ni Jen, kwento naman kung anong pakulo ang meron dun?

jeprocks :
First time kong umattend ng ganung party, and I was also curious kung anong nangyayari sa isang chinese engagement (revised mano po version), Their families were both there, meron ding palitan ng mga gifts, I think that's what they call dowry. Ang nakakatawa pa, may guest si Jen na Beijing guy, tama ba namang gawin kaming gro ng mama ni jen? pero ok na din, at least if I go to China, may tour guide na ako, and who knows, baka pati accomodation isama hehe... after the engagement nag coffee kami ni Char and Arl, a little catching up chit-chat.

Mukhang gala ka ng gala ha and it sounds to me you are having the time of your life, e ano naman ang real score about your love life?

jeprocks :
you bet! love life? ano yun? ahahahaha! not now siguro, kumbaga, let's just say it's not my top priority at the moment. Not looking, but out in the market.

You love singing right? Do you have any gigs at the moment, except your daily bathroom concerto?

jeprocks :
Well, I think two weeks ago, if i remember it correct, nag ktv kami nila Jen and Char sa house nila Arlene, after office, nag meet kami ni Char then tumuloy kami sa house ni Arl sa New Manila. Sobrang wacko talaga ang kantahan 'extravaganza' namin. Wait, I manage to get some pictures pala, eto, take a look.


Just Birit!



Constipated Birit!


Riot diba? Syempre ang diva nung gabing yun, si Charlene, she scored 100 for her effortless rendition of "genie in a bottle" complete with choreography! We really had fun!

Well, I heard somebody spotted you yesterday in Makati? anong ginagawa mo dun? wala namang work pag sabado diba?

jeprocks: I attended a seminar, It's about business communication skills, galing ng speaker, para kaming tinitrain for call center, very informative, pero parang balik high school, may portion din kasing subject verb agreement... hahaha... the seminar ended at about 5:30 in the afternoon.

It's Father's Day today, any message for your Dad?

jeprocks : Happy Father's day 'de! I wish you good health! though we may have differences sa prinsipyo natin sa buhay, I salute you! Wish you good health and happiness that you deserve.

Thank you so much and we hope to hear from you again soon.

jeprocks : Thank you din! and all the best!




 
posted by Jeprocks
Permalink ¤ 0 comments